YOU VERSUS MARKET

Ipagpalagay natin na ang trading ay kaparehas ng boxing, May 12 rounds (mostly) sa isang professional boxing match, May 12 months ka naman para mag trade, Patapos na itong round number 9 ngayon at malapit na tayo pumunta sa round number 10.

May mga tanong ako sa’yo…

Ngayong ika- siyam na round, kumusta ang score card? Sa tingin mo lamang ka ba? Nanalo ka na ba ng at least more than 7 clear rounds, O mas maraming rounds na nakuha ang kalaban mo? May rounds ba na nagulpi ka? May round din ba na muntik ka nang ma- knockout? May mga boring rounds in between at may mga rounds na puno ng aksyon at nakikipagpalitan ka ng sapak?

Imaginin mo na natapos na itong round 9, bumalik ka na sa corner mo para sa one minute break, Sinabi sayo ng trainer mo na malaki ang lamang mo sa score card at kung matatapos ang laban ngayon, panalo ka pa rin kahit matalo ka sa tatlong susunod na rounds kung hindi ka naman matutumba. Kaso ngayong patapos na ang boksing eh saka naman lumalakas ang kalaban mo, Puro knockout punch na ang binibigay nya sayo. Pwede ka pa rin matalo by unanimous decision kung makakuha ang kalaban mo ng multiple 10-8 or 10-7 rounds (meaning kung mapabagsak ka nya sa mga susunod na rounds) at worst, pwede ka pa ma- knockout, Sinabihan ka ng trainer mo na mag play it safe, maging super defensive at umiwas sa mga exchanges (pun not intended) pero…

Pero teka lang, bago ka madala sa kwento ko eh, gusto ko lang i- remind sa’yo na hindi ka boxer, wala ka sa boxing ring at wala ka naman talagang kalaban maliban sa sarili mo.

Dyan sa boxing analogy natin, pinapakita lang yung similarities ng approach ng boxer (trader) at yung kalaban nya (market), Pwede kang manalo ng rounds (months) na pa easy easy lang, jab- jab- jab, tight defense at distansya lang hanggang sa matapos mo yung round, May mga rounds na nagiging reckless ka at gusto mong maka knockout pero ikaw pa ang muntik na ma- knockout dahil sa kayabangan at kapabayaan mo, Mahilig ka rin mag showport, ESTE! showboat. May mga elite boxer/trader na nakaka -knockout agad sa first couple rounds, Pero hindi mo pwede i-assume na nasa same level kayo, Merong nananalo by lucky punch knockout, meron din namang malakas lang talaga at nasa elite level, Mag focus ka lang sa sariling laro mo at huwag mo muna intindihin yung iba, Hindi ka makakapag perform ng maayos kung pinipilit mo gayahin ang laro ng iba.

At hanggang dyan na lang ang similarities nyan, dahil sa boxing, meron ka lang 1 minute break between rounds, kailangan mo talaga lumaban ulit sa susunod na mga rounds, at kapag umayaw ka, automatic talo ka.

Kung ang boxing ay trading, hindi mo kailangan lumaban ulit sa susunod na rounds kung nahihilo ka pa, kung masakit pa yang mukha mo, Pwede ka umupo sa corner mo maghapon at walang pipilit sayo, in fact pwede ka bumalik ulit sa gym, magsanay ulit for a couple days or even weeks at bumalik ka na lang kapag okay ka na, Pwede ka rin pumunta sa gitna ng ring at matulog, bahala ka sa buhay mo. Sana naintindihan mo ang ipinupunto natin dito. Stocks trading ang pinaka mapagbigay at maunawain na “trabaho” na makikita mo, Kung ayaw mo magtrabaho for the whole week, okay lang yan, hindi mo kailangan magpaalam kahit kanino, walang sisibak sayo. Hindi ka rin mauubusan ng opportunities, Kung wala talaga ngayon eh huwag mong ipilit, dahil magkakaroon ulit yan sa mga susunod. #tiwala lang

Ngayong papatapos na ang ika siyam na buwan ng taon, o 9th round ng boxing, Pag aralan mo maigi kung ano ang mga nangyari sa round na ito, Lamang ka na ba? Puro ka lang ba atake at nakalimutan mo ang depensa? Masyado mo ba pinipilit maka- knockout? Kinalimutan mo na ba yung jab-jab- cover approach mo? O baka naman hindi ka nag- eensayo? Hindi mo rin pinag aaralan yung kalaban mo kaya hindi mo kabisado ang galaw nya.

Baka naman may SLOW at pilosopo na nagbabasa nito kaya deretsuhin na natin, Ang pag eensayo na tinutukoy para sa trader ay ang pag aaral, pagbabasa, pagba- backtest, pagre- review ng mga trades mo, At yung trader na gusto palaging maka knockout eh yan yung boxer na puro “haymaker” ang binibitawan, physically gifted, malakas, mabilis, matalino pero walang disiplina at may win- loss record na 24 wins 30 losses 10 knockouts. Ang kalaban mo ay ang mga stocks at ang market mismo. (na sya ring mga kaibigan mo) Sa boxing, hindi sapat yung marunong ka lang sumuntok, dapat marunong ka rin sa depensa dahil mauuwi lang sa wala kahit nakakatama ka ng maganda pero mana- knockout ka rin pala sa bandang huli. Ganun din sa trading, hindi sapat yung nananalo ka lang ng ilang trades paminsan minsan, Dapat marunong ka rin sumangga at umilag dahil kapag hindi, Magigising ka na lang na may nakatutok na flashlight sa mga mata mo.

At syempre, pinaka mahalagang parte ng kahit anong sports o activity ay yung pag eensayo, Mas importante pa yan kesa dun sa mismong event or yung oras ng execution, Dahil obyus naman, wala kang gagawing tama kung wala ka namang tamang plano. Boxing, basketball, Golf, Kahit ano pa yan, Singing contest, dance competition, kahit ano pa. Lahat ng panalo ay nagsisimula sa training, Kaya mas bigyan mo na halaga yan dahil yan ang magpapadali ng buhay mo kapag kailangan mo na mag execute. Mas mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo naman pinagpa praktisan. Kaya kung natatalo ka sa trading dahil hindi ka marunong dumipensa, I highly suggest na yan naman ang pagtuunan mo ng pansin, At Iwas ka muna sa mga hype dahil yan ang number 1 na sumisira sa depensa mo, Ikaw ang bida dito (YES IKAW NA NAGBABASA NITO) kaya mag trade ka lang ng ayon sa kaalaman mo, hindi ayon sa kaalaman ng iba. Hindi binibili yang mga hype, Actually ibinebenta yan most of the time. Kapag may hype at may valid na buy signals sa chart, go lang, Pero kung hype lang, kalimutan mo na yan dahil baka ma knock-out ka.

Okay natapos na ang 9th round, At hindi mo kailangang ibuwis ang buhay mo sa next round, pwede ka na bumalik sa gym, mag ensayo (Ng depensa) at lumaban na parang isang tunay na kampeon sa susunod At huwag mong kakalimutan sa susunod na hindi mo kailangan hanapin ang knockout, darating yan kung magaling ka talaga, easy ka lang sa susunod, Pwede kang manalo by unanimous or majority decision, hindi mo kailangan maka- knockout every round or every month. At minsan matuto ka umayaw kapag nanalo ka na, May next time pa naman at hindi ka mauubusan ng rounds, Hindi yung nananalo ka tapos isosoli mo rin naman pala sa merkado, Maraming trader na ganyan, One punch at a time langOne combination at a time, One round at a time, Hindi mo kailangan ibuhos lahat sa isang suntok, isang combination o isang round, Pwede ka magpahinga in between dahil yung market yung kalaban na hindi ka pwede saktan kung wala ka namang ginagawa sa kanya. Kaya kung nakatama ka ng maganda, matuto kang magpahinga dahil hindi naman yan gumaganti kapag hindi ka gumagalaw. Balik ka na lang sa next round.

Written By
More from Morpheus Tyler

The Bear Market Myth

Kumusta kaibigan? Sobrang swerte mo kung napadpad ka sa blog na ito...
Read More

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *