Swing Low Entry Fail- Lessons on Cutting Losses Quickly

Always sell your mistakes while the loss is still small- William J O’Neil

Hindi araw araw pasko, Minsan matatalo ka talaga. Pero okay lang yan, Ang importante lang ay hindi ka matalo ng malaki, Ganun talaga. Bawal ang pa-genuis sa trading, Kapag mali ka, i- accept mo agad na mali ka. Cut kung cut.

Tingnan natin kung paano natin itinrade itong PRMX kanina.

Ang idea ay i -trade itong swing low na may hammer na kandila (hammer o dragonfly doji?, Up to you) Kaya nag test buy ako kanina, bumili ako ng konti lang. Pinlano na magdagdag after confirmations. Confirmations na hindi dumating at instead, nagbigay sya ng mga bearish signals sa 1 hour chart.

Kinailangan na natin magbenta, Napalaki pa sana ang talo kung nag antay pa tayo.

Related: Cutloss on minutes chart

Okay lang  yang mga ganyang sitwasyon, Minsan kailangan mong ibenta agad hanggat maliit pa ang paperloss, Kung tumaas pa sya pagkabenta mo, okay lang yon dahil hindi mo naman alam ang mga susunod na mangyayari.

Ituring mo itong cutloss plan mo na Insurance Plan, yan ang proteksyon mo para hindi ka matalo ng malaki. Kung hindi naman bumagsak ang presyo pagkabenta mo, okay lang yan, Kung tumaas pa yan pagkabenta mo ay hindi mo na problema yon, Kahit mag ceiling pa yan pagkatapos mo mag cutloss, okay lang din yon at huwag kang ma- frustrate sa sarili mo. Parang ganito lang yan, Hindi ka naman siguro magrereklamo kung may fire insurance ang bahay mo at hindi ka pa nasusunugan, tama? Hindi ka rin naman siguro nag-iinarte kung hindi mo nagagamit yung health insurance mo dahil hindi ka nagkakasakit, Pero syempre magbabayad ka pa rin ng mga insurance. Gets? Okay lang ma- whipsawHindi mo kailangan matalo ng malaki para lang masabi mo na worth it yung cutloss plan mo in the same sense na hindi mo kailangan masunugan o magkasakit para masabi na sulit ang ibinabayad mo sa mga insurance plans. Okay na ba tayo dyan? Let that sink in for a while. Thank me later.

Bakit ko sinasabi ito? May mga traders kasi na kapag na whipsaw sila eh maiinis na sila sa sarili nila, magkakaroon na sila ng mga negative thinking at worst, dyan pumapasok itong revenge trading. Nawawala yung “cool” lalo pa kapag nag post na ng mga analysis yung mga henyo. Kaya cool ka lang, Iwas-iwasan mo na yang mga personalidad na sinusundan mo sa social media na walang ginawa kundi mag point out ng kamalian ng iba, makipag- bangayan at magpayabangan, Dahil ang totoo eh lahat naman ng tao ay nagkakamali at walang taong perpekto, Maliban lang siguro sakin. (Joke lang  yan, don’t hate me 🙂 )Kung kapit- tuko ka sa mga stock mo, magiging emosyonal ka at mapupunta ang focus mo sa pag aalaga ng talo. “Huwag kang mag aalaga ng talo.” (although minsan, afford mo maghintay pa ng konti lalo pa kung maliit ang allocation mo)

 

Isang advantage ng pagbitaw mo ng mabilisan ay matutuon ulit ang isip mo sa paghahanap ng mga bagong opportunities. (Pero huwag kang maghanap agad ng panibago kung kagagaling mo lang sa talo, Antayin mo lang ang tamang pagkakataon) Minsan darating yan agad agad kagaya ng nangyari kanina.

Nag take profit na tayo dito kanina. (Sold half). Ang lesson dito ay Huwag kang mag aalaga ng talo dahil hindi ka mauubusan ng opportunities sa merkado. Hindi mo kasalanan kapag hindi sumunod sa gusto mo ang mga trades mo, Nangyayari talaga yan. Focus ka lang sa goals mo.  #Tiwala lang.

 

Written By
More from Morpheus Tyler

Simpleng Trick na Magliligtas sa Buhay Mo

Eto na naman ako, ang friendly sarcastic virtual trading adviser mo, Hindi...
Read More

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *