higHEST and LOWest Gains?

Homepage Forums Neophyte’s Corner higHEST and LOWest Gains?

Tagged: , , , , ,

This topic contains 8 replies, has 6 voices, and was last updated by  BerTonGgala 7 months, 1 week ago.

Viewing 9 posts - 1 through 9 (of 9 total)
  • Author
    Posts
  • #1995

    BerTonGgala
    Participant

    Mga bago kong igans, how high and lows have u gone in trading? As in ung pinakamasaya at pinamalungkot nyong moment as trader? If u may share ur memories…Appreciate it po.:)

    #2002

    Kamote
    Participant

    nakakaiyak moment :
    Bought $VITA @ .97 and sold it at .99 dahil nainip ako… damn umabot ng 3petot… pumasok nlng ulit ako sa 1.5, 2, 2.5 na sold every 4-5% gain (takot maghold ang newbie) tapos bumili ulit around 2.9 (healthy pullback daw eh) at kaso bumagsak n sa 2.5 awts (hindi pa ako marunong magcutloss ng time na un, naniniwala p ako sa average down) ayun! ipit hangang sa cutloss din ang siste (sobrang sakit ang unang cutloss). after nun sumbay sa hype ni $web ang newbie sarap nung una. wow! may pang starbucks ako medyo nabawi n ung loses. un pala sa una lang cya masarap, naging sobrang rollercoaster ride ang nangyari, cutloss ulit, awts. ang gain naging loses ulit at masmalaki pa. li low muna… pumasok kay $now around 3petot akala ko buttom na. damn cutloss ulit… etong 3 stocks na ito ung pinakamasaya at sobrang lungkot na experience ko from last year at and i-hold ko nlng ung memories na un hangang dulo. charge to experience nlng ng isang newbie… ngayong year $ABA $FLI $ALCO $MED $TUGS $BHI $APL so far nagpasaya skin, may cutloss parin pero onti nlng (kasi naubos n laman ng port ko from last year, awts) hoping n sana magtuloy tuloy hapi moments. so far malapit na ako magbreak-even sa losses from last year. whaaaa…

    PS
    isusulat ko nlng ulit ito ng mas detalyado at masmaayos pag pro na ako… hihihihi

    #2012

    BerTonGgala
    Participant

    Masarap pala talaga sariwain ang mga ala-ala nung ika’y nagsisimula pa…ako sir kamote knna lang nagsubok…nga lang since ON-CALL trabaho ko, di ko nasubaybayan. gayunpaman, talo lang ako ng 200petot. bukas, maaaring maikwento ko na kung nakakaiyak din ba or nakakatuwa. sa isang baguhan tulad ko. maigeng matuto sa karanasan ng mga SUMUBOK at SUBOK na! ika nga: “experience is the best teacher.”

    #2013

    Helen
    Participant

    In May 2016, I begun to trade DD. I have been watching DD since its IPO last April 2014..but I always thought masyado na syang mahal from its IPO price, so hindi talaga ako bumibili. Then when the price stabilizes at around 33-36, I bought 2,500 shares in tranches, so my average price is 35pesos. Usually my style is to sell GTC with the ceiling price. The ceiling price that time is 80pesos. June 9, 2016, when I opened my port at around 11am Philippine time, my DD was no longer there, pero yong price ng DD is at 70, so I was wondering why bakit wla na ang DD sa port ko…Oh well.. a whopping 110K is less than a month na hawak. Pagka weekend nagpakain ako sa mga barkada (buti na lang 3 lang sila Pinoy sa lugar namin, konti lang bawas ng 110K ko hahaha!). Pinakalungkot naman si Tel…mula ng binili ko sya noong Sept 2015 never pa sya nagiging green. Dahil ayoko talaga mag cutloss kasi blues naman sya at nag aaverage down ako hanggang sa 200 shares na ang tel ko…..sobrang lalim pa rin ang loss ko…sobrang sakit na bes…tulog ang pera ko! Dati ramdam ko talaga ang sakit at saya…ngayon it’s kind of oh well…let’s play again tomorrow.

    #2014

    BerTonGgala
    Participant

    …nga pala BSC yun. 😛 We’ll see tom. kaso may “Tweezers Top” po ba yun?! pa-help nman po, mga BES.

    #2017

    Just.Me.Marvz
    Participant

    ung tipong may stocks ka, tapos binitawan mo dahil sa takot mo na malugi ka pa lalo, tapos biglang tumaas pag wala na sau… hahaha pati sa stocks nakikihugot.. haha… siguro ang gain ko is the experience itself. Pero sana magka gain na din in the next few days…

    #2024

    Guillen Rocher
    Keymaster

    pinakamasaya nun is sa ION before, araw2 ceiling,dami masaya but pinaka Sad is yun NOW ko nagceiling nun nsa .50 cents ba yun I forgot then busy aq di nkacheck or gtc sell, pagkalunes yun gain ko ng magceiling nwala lahat, loss pa…. haysss,, iyak aq sa fb group nun.. pinapaniwala ko sarili ko na tataas pa, tumaas nmn aftee ilan months n up n down but nagcut loss aq dun then bumalik nlng.. ION malufet din, magppasok or new year ata yun,,, sabi sir Miko its time to sell ION?? Ayun nabuhusan kami, dami nmin may hawak nun, mainam lng sakin is mababa average ko kya nkalaya ng may onti gaIn pero lako nwala sa kita na sana huehue…thats trading thats life….

    #2028

    Tyler Durden
    Participant

    Unang kita ko sa basura stock, january 11 2017, yung alco, kumita ko almost 2k, nag buy ulit ako pero nagbenta ng palugi nung bumaba ng konti, Kung inipit ko pala dun ng one month kumita sana ako ng mahigit 100 thousand pesos. Pero okay lang, sobrang newbie ko naman talaga nun, wala pa ko gaano experience, malungkot siguro yun sa iba, pero iniisip ko na lang panalo pa din ako dahil natuto ako, darating ulit yung ganung scenario, marami na ko experience at alam ko na gagawin next time. 🙂

    PS. nag start ako mag trade Nov 28, 2016 lang

    #2036

    BerTonGgala
    Participant

    Maganda talaga dito. dami mong napupulot na aral, maliban sa teknikal pati emosyonal. Patience is virtue is true din pala sa tr trading, Sir Tyler. Biro nyo 100K! Power of trading talaga! Kaya nga pala madami ding na-hohook kse, like any other games, may ‘excitement’, may thrill. Then there’s a time you prapare for attack, and retreat.

    you compete with yourself lang. Just control our emotions lang pala…Ill keep that in mind.:)

Viewing 9 posts - 1 through 9 (of 9 total)

You must be logged in to reply to this topic.