What is Stock Market at Paano MagInvest sa Stock?

1
1

Sawang sawa ka na bang maScam at kung ano ano na bang Networking ang napasukan mo? Benta dito benta dun, Invite dito Invite doon. Sabi nila maliit na kapital lang ang kailangan mong ilabas pero malaki ang magiging balik sayo, agad agad.

Eto pa dialogue nila, “100% Risk free, Sure money” ang alok sayo… Get-rich-quick scheme ang tawag sa mga ganitong pangakit sa isang Pinoy, na walang ibang ninanais kundi maging maayos at guminhawa ang kanilang mga buhay. Pero sa huli, ang perang iyong pinaghirapan ay hindi mo na pala muling masisilayan… Gone with the wind, Fly by Night style… Scam na naman, hayss buhay…

Ano daw…😂

Nakakalungkot diba, at sa tutuo lang marami ang nabibiktima ng mga ganyang modus, budol at paulit ulit na kaso ng Pyramiding at scam. Paano ba naman, tunay na nakakasilaw ang ganda ng postura nila. Mga nakakurbata, mamahaling kotse, malalaking bahay (hindi pala sa kanila nirentahan lang sa paggawa ng video at para sa picture taking huehue)😃. Makikita mo sa social networking site ang lifestyle nila na siyang pinapangarap mo, buhay na sana meron ka din. Na baka sakali, kung maniniwala ka sa kanila ay makakaahon ka din sa hirap at magiging ganun din ang iyong sitwasyon. Animo ba’y  isang patibong na sadyang dinisenyo para sayo…

Ikaw ba ito? Nakita mo na ba ang mga ganitong sitwasyon? Ilan beses mo na ba silang nakadaupang palad? Mas pinili kasi ng iba ang networking, ponzi scheme, at kung ano-ano pang easy quick rich scheme. But in reality, there is no such thing as easy money. Wala pong ganun, wala din pong overnight success. Yan po ay bunga ng mga oras na binibigyan ng dedikasyon,  pinaghihirapan at pinagaaralan. Sa aking palagay, mas mainam siguro kung susuportahan natin ang mismong ekonomiya ng ating bansa. Narinig mo na ba ang tungkol sa Stock Market?

Marahil oo, ngunit iniisip mo na pang mayaman lang ito, pang matalino lang. Naku,,, hindi po yan tutuo, thats a Myth. Di kaya naman, gusto mo itong matutuhan pero hindi mo alam kung paano at saan magsisimula… May mga tao na din bang nagmessage sayo na sinabihan kang, “Tuturuan kita, pero ganito kalaking halaga ang babayaran mo”. Kung interesado ka tungkol sa stock market at pagIinvest ng pera ngunit clueless ka kung paano. Wag kang mag-alala kasi ginawa at sinulat ko ito ng libre, para matuto ka kung paano magsisimula. Ang tanging kailangan mo na lang ay ang SIPAG. Kung walang sipag, automatic bawal ka dito… Alam mo ba na dito sa PSE or Philippine Stock Market ay pwede kang magInvest ng legit at hindi ka masscam…  Sabi nga, there is only 1% Filipino Investing in Philippine Stock Market. Habang ang ibang bansa ay aktibong (involve) nakikilahok sa kanilang merkado, we Filipinos have limited knowledge kung paano nga ba talaga ito. Diba masarap tawagin or sabihin sa sarili mo na share holder ka ng Jollibee, ng SM, Ayala, Bdo bank at kung ano ano pang malalaking kumpanya sa Pilipinas. Kaagapay ka sa pagunlad ng kumpanya at sa ekonomiya ng bansa.


Traders Empire Charity, 2017

Yun pakiramdam na habang kumakain ka sa Jollibee masasabi mo na, “Shareholder ako ng company na ito 😍😍POSIBLE yan kapag nagInvest ka sa PSE or mas kilala as Philippine Stock MarketMarahil sinasabi mo ngayon sa sarili mo, “Sana tutuo na nga ito, sana hindi nga scam ang sinasabi nya. Sawang sawa na ako sa mga scam na napasukan ko, this time legit na kaya ito’. Wag kang magalala, eto na yun… Tutuo po ito at hindi na scam. Im your angel😃😍 ( wink, gusto lang kita pangitiin, baka masyado ka na kasing seryoso…). Ituloy mo lang ang pagbabasa, ikaw mismo malalaman at matutuklasan mo yan.

1) Ano una mong gagawin? You need to have a BROKER to do your transaction, Buy and Sell. Minimum 5k, simply ask the (your) Bank, sabihin mo na gusto mo magopen ng stock market account. COL Financial ang personal na gamit ko, just Google it for more information meron mga FAQ dun para sayong mga katanungan. Syempre pwede ka din magopen ng 10k to 50k and above if gusto mo, ayos lang po yan.

2) Paano kung gusto mo magwithdraw or tuwing kailan mo need magdeposit ng pera? Eto marami may tanong, kung gaano kasecure ang pera nila. Basta may banko at may laman yun account mo, pwede ka magwithdraw, fill up lang ng withdrawal form. Kung gusto mo nman magdeposit bukas, next week, quarterly, annually, walang problema. Ikaw personally ang gagawa nyan😉. Wag mo ibigay kung kani-kanino ang pera na pinaghirapan mo.

3) Pagka activate ng stock market account, need mo ba kaagad bumili ng Stock?Kahit hindi mo galawin, ayos lng. Pwede mo din sya gawin na parang banko mo, nagiipon ka lng ng Buying power, hindi yan mawawala dyan 😀. Kahit magdagdag ka 1k bukas or hindi, walang magagalit sayo. Kahit iclosed mo agad ang account mo, its all up to you. Buying and Selling, gagawin mo ang execution sa online, once your account was activated by the bank or your broker. Parang FB lng sya, may Username at Password to Log in, na ikaw lang ang nakakaalam.

4) Anong stock ang una kong bibilhin? Aralin mo muna ang mga Blue Chips Stock na tinatawag, 30 companies yan na kilala din sa tawag na Index stock. Some of them are ALI, JFC, PETRON, PGOLD, SM, BDO, SMPH etc…

5) Tuwing kailan Open ang PSE/Stock Market? Monday to Friday 9:30am-3:30pm, Holiday sarado po.
Di mo rin need magbantay araw-araw at hindi mo need tignan buong time na bukas ang merkado. Hindi ka naman po bodyguard ng PSE, joke lang po 😅…

 

6) Paano nga pala kumikita sa Stock Market? By simply Buying at low and Selling at High. Example, last year bumili ka ng $JFC or Jollibee stocks/shares, nasa P180 pesos per share pa lang sya nun. Now its price or it is trading at P285 pesos per share. Ilan % ang tinaas, diba 50% mahigit na yun, in just a year. Never mo yan kikitain sa kahit saan na banko. Ngayon if gusto mo sya ibenta bukas or sa isang linggo, or after 5 years, lahat yan nasa control mo. Dahil ikaw ang may hawak ng Buy and Sell button sa online account mo. Kung need mo na yun pera kaya mo sya ibebenta at iwwithdraw, walang pwede pumigil or makialam sayo, wala kang need pakiusapan na kahit sino…  

7) FYI, Di po ako interested sa pera nyo… Kayo po magoopen ng sarili nyong account. Ginagawa ko lang itong pagsshare, dahil alam ko na madami na ang nabibiktima ng Scam at kung ano ano pang modus. Gusto ko malaman ng marami na hindi lang pang mayaman ang stock market, kahit average person pwede maginvolve sa merkado ng Pilipinas. By the way ang SSS nandito din ang pera nila nakaInvest, mga simbahan, banko, politician at mga sikat na tao etc etc. Which simply means, “Nandito umiikot ang pera, why not take advantage of it.”

Yan lang muna kasi kung over information, baka mabigla ka naman at mahirap ng idigest. Sana wala ng OFW or Pinoy na masscam ulit. Inis ako sa scammer kasi, ang malimit pang biktima ng mga yan is naka abroad, mga OFW , I am an Ofw kaya ramdam ko po. God bless us all and theres nothing I pray but Success for everyone… Welcome new Investors and Happy Investing mwahhh 😘

PS *Bakit taglish ako magsulat ng mga blogs, baka may magtanong pa ng ganun 😅

Paano magiging interesado ang taong hindi pa alam ang stock market kung pure Stock market and Heavy jargons ang gagamitin natin, tama ba or tama ako 😊. The reality remains the same, Pilipino po tayo, ok bye… 🤗 After reading this Blog, pwede mo po itong Share sa friends mo na sa tingin mo ay kailangan mabasa at malaman ito. Panoorin mo din itong Youtube Video na ginawa ko para mas maunawaan mo pa kung paano magsisimula. And please, wag po kalilimutang magSubscribe and Like, regalo mo na yun sa akin. Thank you so much…

 

Written By
More from Guillen Rocher

WATCHLIST- APRIL 9, 2017

Just sharing my simple watchlist… This is handwritten for I am sorting...
Read More

5 Comments

  • Hello!

    My name is Andrea, an affiliate program manager for InstaForex Group.

    We would like to offer you the affiliate program cooperation that allows you getting $15-53 from every standard market lot of your customer. If you are interested, please contact me and I will provide the details.

    InstaForex provides all the partners with the following opportunities:

    SUB-IB Program – attract the partners and get the commissions from attracted by them clients;

    the widest range of promotional materials;

    free content for your web-site;

    advanced referral link statistics in your Partner Cabinet;

    free ready-made website for your convenience;

    coupon bonuses to encourage traders;

    the campaign – “$500 Affiliate Reward!”;

    the gifts to partners: raffle of the mobile gadgets (iPad, iPhone, Blackberry, or Samsung Galaxy Tab);

    wide choice of payment systems for account replenishment and funds withdrawal;

    the support and the individual approach to every partner.

    Become an affiliate right now and get the informational materials for your web-site with the integrated affiliate link!

    Looking forward to hear you soon. Please reach me through skype id andrea.partners.ifx or email partners@mail4.instaforex.com. We will be glad to establish mutually advantageous cooperation with you.Thank you.

    Sincerely yours,
    Andrea

    Partner Relations Department
    InstaForex Group
    Skype ID : andrea.partners.ifx
    https://www.instaforex.com
    InstaForex Partners Facebook Page
    InstaForex Partners Twitter
    InstaForex Partners Google+

  • Hi miss Guillen,
    Thank you and appreciate your simple and clear explanation of stock market…im a new bee and so interested more knowing of it by your kindly mentoring and assitance..may send me a link to OPEN AN ACCOUNT…for start to begin…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *