The Bear Market Myth

1
1

Kumusta kaibigan? Sobrang swerte mo kung napadpad ka sa blog na ito ngayon dahil marami kang mapupulot na knowledge at  wisdom regarding sa stock trading. Kung first time mo lang magbasa ng segment na ito sa Traders Empire website, huwag kang mag alala, wala ka pang nami miss na issue dahil first time ko rin magsulat dito.

Una sa lahat, hindi tayo naniniwala sa coincidence, Kung nagbabasa ka ngayon ng partikular na article na ito (happens to be the first) ay mayroong ibig sabihin yan, meron itong reason at purpose, Kung isa ka sa mga baguhan sa trading world at nangangapa- ngapa pa o kung medyo matagal ka na pero nag struggle pa rin hanggang ngayon, Sigurado tayo 100% na dinala ka ni universe/god  dito para mabigyan ng mga bagay na kailangan mo para maging successful sa mundo na pinasok mo. Hindi ko alam exactly kung ano yan, maaaring in a form of words of encouragement, quotes na narinig ko somewhere o simpleng information na magiging sobrang valuable para sa ‘yo. Tawagin nyo na lang akong Morpheus, ang bagong magiging regular contributor dito sa Traders Empire blog. And let me tell you a bit about My Trading Journey.

Una akong namulat about the Stock Market from a random facebook video na lumabas sa feed ko, Isang tao na nagtuturo kung paano daw kumita ng 1,000 per day sa trading during the last quarter of 2016, Nagwo work ako noon mostly doing data entry jobs. Nag research ako tungkol sa mga sinasabi nya, nagbasa basa ng mga blogs at nanood ng mga youtube videos tungkol sa Philippine Stocks Exchange. Sa loob ng ilang araw na pagre research ko, na realize ko na ito yung gusto kong gawin sa buhay ko. Ang initial plan ko ay mag Invest at nag decide ako na mag open ng account for trading on November of that year. Hindi madali nung una and for the first 12 months nagkaron ako ng mixed results, nananalo at natatalo, I ended up that first twelve months on a negative.

Lahat halos ng styles nasubukan ko na, Moving averages crossovers, Darvas box, Fibonacci, Ichimoku, tried a lot of indicators, sobrang daming trial and errors hanggang sa nakabuo na ako ng sarili kong strategy by December, pinag aralan at sinubukan ko ng ilang buwan, nag work sa akin at yun ang mostly na ginagawa ko ngayon at pine perfect pa lalo. Kumikita na ako ngayon regularly from day trading at plano ko pa mag level up at imaster pa lalo ang craft ko. Medyo napahaba yung Introduction natin, Let’s go straight to our topic here, “Bear Market” dahil napapanahon ito at bakit “Myth” ang sinasabi sa title. *Bear Market defined by Investopedia as, “A condition in which securities prices fall and widespread pessimism causes the stock market’s downward spiral to be self-sustaining”, “A downturn of 20 percent or more from a peak in multiple broad market indexes”

Kung titingnan mo ang PSE Index, more than 20% na ang drop nya from a peak of 9,078 points, Ngayon tatanungin mo, Kung bumabagsak pala ang PSE index, bakit ko sinasabi na Bear market is a Myth? Ganito yan, Totoo na malaki ang negative effect ng pagbagsak ng Index overall lalo na sa mga investors, Pero kailangan mo ma- identify kung ano ka ba talaga, Ito ang pinaka mahalagang tanong, “Investor ka ba o Stock Trader?”. Kung may kakilala kang investor, malamang ay mga Blue chips lang ang binibili nila or kung hindi man, yung mga “2nd liners”, ito yung mga good companies na may good earnings at big projects at posible rin na maging blue chip class in the future, Sila yung most affected nitong tinatawag nilang “bear market”  Pero kung ikaw ay isang aspiring (or struggling) na trader, dapat mo malaman na hindi naman talaga ito ganun kalala gaya ng mga naririnig mo, Sobrang dami pa ring opportunities during bear market, Titingnan natin yan mamaya. Tingnan muna natin itong monthly chart ng PSE Index.

Kung mapapansin mo, as early as February 2018 ay bumabagsak na ang PSEI, ito na yung simula ng pagbagsak ng mga blue chips. Iba iba ang approach ng bawat investors dito, yung iba natatakot at nagbebenta na ng mga shares nila, yung iba naman natutuwa dahil nakakabili sila ng mga stocks for long term na sa tingin nila ay mura. Pero ikaw bilang trader, hindi ka dapat huminto at matakot sa ganitong scenario dahil unang una, feeling fear will bring you more things and circumstances na ikaka takot mo pa lalo at makakasira ng diskarte mo, Try to look for the positive at positive ang makikita mo. Hindi kita hina hype at hindi ito pep talk. Mayroon kang parte ng brains mo na tinatawag na Reticular Activating System or “RAS” for short. Ang trabaho nito ay maghanap ng mga informations sa surroundings mo na ka-match ng focus, beliefs at intentions mo. Think of The Law of Attraction in a  scientific way. In reality sobrang dami pa ring opportunity for day and swing traders during this season. Nag compile tayo ng short list ng mga stocks na naging very profitable for a limited time starting February of this year.

  • $PXPA 100% upside in 2 weeks time
  • $MRCAlso gained 100% + during the last week of February up to second week of March
  • $NOWShoot up to more than 150% in mid February
  • $HVNNag skyrocket ito ng more than 250% in February
  • $VITATumaas din ng almost 100% in a span of 2 weeks just recently
  • $ISM100% last month
  • $VULMore than 100% up from consolidation in June

Bukod pa dito, marami ring stocks na nag ceiling from February, stocks such as HVN, AB, ABA, IS, MRC, APC, WPI, SSP, PHES, halo halo na yan, from Semi- decent to Basura. Totoo na may mga araw na walang lumilipad at nagdudugo ang ticker mo, Pero walang week na dumadaan na walang lilipad na stock, Be Patient lang at hindi mo naman kailangan mag trade araw araw.  Ang punto is Kahit ano pang market condition, hindi ka dapat nawawalan ng pag asa lalo na kung newbie ka, hindi ka rin dapat panghinaan, Bagkus ay gamitin mo ang mga panahong ito para pagbutihin pa lalo ang pagte trade mo, Dahil kung magagawa mo ito ng tama sa ganitong panahon, You will be even way more better kapag bull market na. Isipin mo na ito yung pinaka best na time para i hone ang skills mo, Sabi nga nila “A smooth sailor never made a skilled sea” … Ah teka parang baliktad ata “A smooth sea never made a skilled sailor” pala.

Bago ka makinig sa sinasabi ng karamihan na mas malaki ang chance na matalo ka kapag bear market, pag aralan mo maigi itong mga nabanggit na stocks, Hanggang ngayon, may mga stocks pa rin na lumilipad at marami pang lilipad kahit patuloy pa bumagsak ang index, Kailangan mo lang talaga magtyaga at mag aral pa maigi, Ang kaibahan lang ng bull at bear market ay mas maraming lumilipad during bull market, Pero hindi ibig sabihin na mawawalan ng mga good opportunities kung pabagsak ang PSE index, After all, hindi mo naman ite trade yang PSE index.  Marami pa rin talaga. Ngayon baka sabihin mo naman na nagsibagsakan din naman yang mga stocks na tumataas na yan, Well, ganun talaga, sabi nga dun sa paboritong noontime show ng nanay mo “Walang forever”, Kahit pa bull market, bumabagsak din naman yang mga nagliliparan. Hindi tayo nandito para mag invest (kung trader ka). Dapat maging sigurado ka na sa sarili mo ngayon na trader ka at ang main goal mo is mag take advantage sa mga quick opportunities, And by taking advantage, I meant taking profits kapag kumikita ka na and move on to the next.

During Bear Market kailangan lang na maging mas maingat, Marami pa ring good setups na darating pero piliin mo lang yung pinaka the best, Avoid cheap trades, Yung mga trades na ikaw lang ang may gusto for whatever reason at wala namang iba na nagte trade, Dun ka lang kung saan umiikot ang pera at humanap ng valid entry. Kahit mag take profit ka ng mas mabilis ngayon kumpara during bull market o kung mas mabilis ka mag cutloss ngayon, okay lang yan, ang pinaka mahalagang dapat na isipin mo ay hindi nauubos ang opportunities. Ikaw lang ang mag aadjust at ganun naman talaga dahil hindi mag aadjust ang market para sa atin. Kaya tuloy lang tayo, walang aayaw. Kung newbie ka man o medyo matagal na, hanapin mo yung mga advantages sa mga ganitong sitwasyon dahil siguradong meron yan, Kung matalo ka sa ibang trades, May advantage pa rin yon dahil may lessons ka na makukuha, kadalasan nga, doon ka pa makakakuha ng mga New Ideas.

At bago ko tapusin ito, isipin mo ‘to maigi, Kung bull market at natatalo ka, nasa bear territory ka pa rin, conversely, Kahit “bear market” pero kumikita ka, nasa bull market ka pa rin. Depende yan sa performance mo, It’s your own performance, it’s your own world, You create your own reality. Bear market is an illusion.

 

 

Written By
More from Morpheus Tyler

No Nosebleed Guide on Gap Trading

Ano nga ba ang gap sa trading?   Ito yung mga laktaw...
Read More

1 Comment

  • Ganda basahin— napakasipag ng Empress natin para lang may matutunan tayo sa mga ginagawa niya… thank you and more blessings to come coz you are a blessing to others.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *