Simpleng Trick na Magliligtas sa Buhay Mo

Eto na naman ako, ang friendly sarcastic virtual trading adviser mo, Hindi ako guru pero marami kang tips na makukuha dito for free na mostly based on experience and lots of trials and errors. Kung isa ka dun sa mga nasunog sa BCOR nung nakaraan at na- PHA kamot- ulo kahapon, para sa iyo talaga to.

Overexcitement, yan ang isa sa nagiging problema mo, meron tayong technical guide para ma-asses mo ng maayos ang mga sitwasyon sa susunod.

COUNTDOWN

Dyan sa gilid ng chart mo meron dyang countdown timer, Hindi  mo yan makikita sa daily chart, Makikita mo lang sya sa intraday chart. Eto ang sample sa baba

Ano nga ba ang silbi nyan?  Itatanong mo, ganito yan.

MALAKI ang silbi gaya ng sinasabi kanina, kapag alam mong gamitin itong countdown timer, mas magiging maayos ang pag evaluate mo sa current situations.

Nakikita mo ba itong mahabang inverted hammer sa unahan? (PHA 3 minute timeframe) Sa tingin mo, kung marunong ka ng kahit konting basic bullish candlestick patterns, ite trade mo pa ba yan?   Malamang hindi.

(hindi natin na screenshot ng live na may countdown timer)

Pero kung isa ka dun sa mga humabol dyan na gumagamit ng intraday ng hindi mo naman alam ang ginagawa mo, Malamang ganito ang nangyari sa’yo. Nakita mo na nagsimula sya ng mahabang green candle kaya bumili ka agad, pero ilang segundo pagkatapos, ayun SUNOG ka na at hindi na umakyat ulit. Ginamit natin itong example dahil sunod sunod itong lumabas sa ticker, dinagsa ng mga tao itong stock. Ang lesson dito is hindi porke maraming bumibili ay makikibili ka na rin.

Ganito kasi kaibigan,  Hangga’t gumagalaw pa yang timer sa gilid, halimbawa sa 3 minutes na timeframe, Magka- countdown yan ng  3 minutes pababa, Hangga’t hindi pa ubos yung lahat ng segundo sa timer, maaari pa na mag iba yung kandila na nakikita mo. Ganyan ang tamang pag tingin sa intraday. At kung hindi ka pa rin sigurado, Patapusin muna yung una, pangalawa o pangatlong kandila (depende sa pattern na hinahanap mo) bago ka bumili.  Kung bumibili ka base sa kandila na nakikita mo eh masusunog ka talaga dahil kailangan mo muna patapusin yung timer bago mo makita kung ano talaga ang final form ng kandila. Gumagalaw yan at nag iiba-iba hangga’t hindi pa tapos yung timer.

Kung medyo nalilito ka pa, basa- basahin mo lang ulit dahil maliwanag naman ang pagkakapaliwanag ko, tagalog yan at walang paligoy- ligoy. Okay lang yan.

Ngayon naman eh kung isa ka pala dun sa mga tao na nakaka- alam na pala nito at sasabihin mo “basic, ang dali lang nyan eh”,  “alam na namin yan” o kaya ikaw yung isa sa mga toxic na tao sa internet na nagsasabing “kinopya sa investopedia” etc. etc. kung isa ka sa ganyan eh manahimik ka na lang, Dahil hindi ito para sa’yo, para lang ito dun sa mga tao na bukas ang isip, gusto talaga matuto, At positibo ang aura sa buhay. (Pero salamat pa rin sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa mo lol)

May mga tao kasi dyan sa tabi-tabi na walang ginawa kundi magreklamo tungkol sa mga kagaya ko na mahilig mag share ng personal knowledge at experience, bash dito, bash doon, na para bagang masama ang magturo at mag share ng knowledge sa kapwa.

Hindi ako perpekto, Hindi rin ako guru, Hindi CPA,  Pero educator ako deep inside. Pinag- aaralan ko muna yung tinuturo ko at ginagawa ko rin yan sa sariling trades ko. Pero wag na natin pahabain to, baka naman sabihin nagsesermon tayo, Wala tayong magagawa, real talk tayo dito eh. PEACE.

Kung ano yung timeframe na ginagamit mo at pattern based ang style ng pagte trade mo, Patapusin mo muna yung timer, gaya ng sinabi natin kanina (ulit- ulit para maalala mo) let’s say 15 minute ang time frame mo, hindi ka basta basta magde decide agad ng pag buy o pag sell kung 5 minutes pa lang ang nakakalipas at wala naman masyadong price action. Patapusin mo muna yung timer para ma confirm kung yun ba talaga yung kandila na hinahanap mo, Kahit sa 15 minutes, 30 minute, 1 hour. (Hindi mo kailangan araw araw mag intraday, Ginagamit lang ito kapag may right opportunity)

Kung naka off yung countdown timer mo sa intraday, i- right click mo lang dyan sa right side, sa may parang ruler, at i check mo yung nakasulat na “coundtown”

Kung may tanong ka, huwag mahiya. Write your comment down below or shoot me a message sa facebook. Nawa’y may natutunan ka ulit at makatulong ito ng malaki sa’yo. Positive lang kaibigan.

*Hindi tayo nakapag record ng live intraday countdown timer dahil sabado ngayon, Please watch out for an update on this post.

Written By
More from Morpheus Tyler

FB- Behind the trades and 52- week new highs on Friday rule fail

Hindi ka nakasakay sa $FB? Okay lang yan, marami pang mga susunod,...
Read More

4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *