Pennant Continuation Pattern

1
1

Nabibigla ka pa rin ba minsan kapag may stock na bigla bigla na lang tumataas? Kung unaware ka sa certain patterns and conditions bago tumaas ito ay magugulat ka talaga. Maaaring hindi mo sya i trade dahil natatakot ka dahil “mataas na” not knowing na wala pa sya sa kalahati ng itataas nya o di kaya naman, humabol ka sa pagtaas nya pero napa cut ka nung nag pullback sya sa intraday at na whipsaw ka. Pag aralan natin itong isa sa mga pinaka profitable na chart pattern.

Pennant, Isa itong continuation pattern na may strong implications, tingnan natin ang anatomy nito para maging mas prepare ka sa susunod na makakita ka nito.

May dalawa lang na parte ito, Flagpole at yung mismong pennant Ito ang mga keypoints na dapat mong malaman sa pagte trade ng pennant

  1. Mahabang flagpole –  Ibig sabihin, dahil continuation pattern ito, dapat ay may prior upward move na sya. Importante yan dahil hindi lahat ng triangular pattern na makikita mo ay pennant continuation na, Kailangan ay sa taas ng flagpole mabuo yung pennant.
  2. May idea ka na malakas yung trend kapag ang malaking pennant ay galing din sa isang mas maliit na pennant gaya ng mga example natin dito sa charts
  3. Ang entrada mo ay kapag lumabas sa taas ng pennant, Kung medyo conservative ka, pwede ka rin pumasok sa level ng flagpole.

Kung day trader ka man o swing trader, Malaki ang chance mo na manalo sa Pennant continuation patterns. Depende na lang sa greed, market condition at analysis mo kung saan ka magbebenta.

Pwede kang humanap ng horizontal resistance sa chart kung saan ka pwede magbenta, o kung All Time High naman ang tinatakbo ng stock mo, Pwede ka gumamit ng Fibonacci extensions.

Inabot  ba?  .. YUP!

Madalas mo rin makikita ang ganitong pattern sa Intraday charts na magagamit mo sa Day trading.

No such thing as “To the moon” Kaya ugaliin mo magbenta 😉

Tags from the story
Written By
More from Morpheus Tyler

Simpleng Trick na Magliligtas sa Buhay Mo

Eto na naman ako, ang friendly sarcastic virtual trading adviser mo, Hindi...
Read More

5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *