Parabolic SAR tutorial

1
1

Konting intro muna…

Parabolic Stop and Reverse o Parabolic SAR for short, dinevelop ni J. Welles Wilder Jr., Siya rin yung same person na nag develop ng RSI, ADX at ATR indicators, Hindi na natin pahahabain ito at hindi na natin kailangan halukayin yung background ni Mr. Wilder, Straight to the point lang, dahil ang goal is Padaliin ang buhay at Pagte trade mo. Ituturo natin dito ang techniques sa pag gamit ng simple pero very useful na indicator na ito.

Basics

May isang parte lang itong parabolic SAR, yung mga dots sa screen, Yan na yun, hindi mo na kailangan palitan yung values nya sa settings. Kung mapapansin mo sa example sa taas, Bumababa ang price kapag nasa itaas ng kandila ang dots, Tumataas naman kapag napunta na sa ilalim. In other words, Buy signal kapag nakapwesto sya ilalim ng kandila at sell signal naman kapag nag appear sya sa ibabaw ng kandila. Tingnan naman natin itong iba pang examples.

 

 

 

 

Ang dali lang di ba?

 

Pero teka muna, huwag tayong sobrang excited, i- remind ko lang sa’yo na walang perpektong indicator kaya hindi porke nakita mo na umilalim na yung dot sa araw na nagte trade ka eh bibili ka na agad, May mga certain conditions ka rin na dapat i consider, timing, volume, at yung haba ng consolidation nya, Mas okay din kung ipe pair mo sya sa ibang indicators gaya ng Moving Averages at RSI o MACD. Maximum of three indicators lang para hindi nakakalito at ayaw natin ng komplikado. “Complexity is the enemy of execution” sabi nga ni Anthony Robbins.

Sobrang swerte mo dahil malalaman mo ngayon itong isang napaka simpleng trick sa pag gamit nitong Parabolic SAR, tingnan ulit natin itong iba pang examples.

 

 

 

May napansin ka ba sa mga examples? Hindi ka dapat basta basta bibili kung makita mo na umilalim yung dots, Medyo tricky ito, dapat talasan ang mga mata mo, Tingan mo maigi yung spaces between dots. Kapag equal lang yung layo nila sa isa’t isa, usually nagsa sideways lang, Pero kapag lumalaki yung space o gaps sa pagitan ng dots, Dun ang best entry mo. Tingnan natin ulit at lagyan ng highlights.

 

 

 

 

 

 

Ayos ba? Sobrang simple lang di ba? Kung newbie ka at nangangapa- ngapa pa, Subukan mo ito, Baka ito ang maging bread ang butter setup mo, At kung isa ka naman sa mga struggling traders out there na madalas matalo dahil pilit mo pinapahirapan at pinapa komplikado ang trading life mo, Bakit hindi mo to i try minsan? ( At simplehan mo lang, “Complexity is the enemy of execution” Sabi ulit ni Tony Robbins.)

“Simplicity is the ultimate sophistication” naman, sabi ng lolo ko (sa isang Parallel Universe) na si Leonardo Da Vinci.  😉

 

Tingnan naman natin ngayon kapag may additional na indicator, 20 Day Moving Average, Personal preference ko ito. Pwede mo haluan ng paborito mong indicators like RSI, MACD, Stochastics, MFI, ADX, etc.  (Huwag mo damihan, dahil gusto naten na swabe ang execution mo at ayaw natin na ma confuse ka…)

 

 

 

 

May dalawa ka nang Buying signals sa ganitong setup, One is buy signal from Parabolic SAR at ang isang buying consideration mo naman is kapag above MA20, Kung more on breakout play ang gusto mo, malaking tulong din yung RSI near or above 70 level. Hind na natin ilalagay dito para subukan mo rin mag plot sa chart on your own.

Ayos na ayos ba? Nawa’y makatulong ito ng malaki sa trading life/career/hobby mo, Easy ka lang kaibigan at alam natin na kayang kaya mo yan. At dahil nakatanggap ka ng biyaya in a form of invaluable informations, bakit hindi mo ipasa ang blessings sa iba? Huwag kang mahiya na i share ito para tuloy tuloy lang ang daloy ng biyaya sayo. (Law of attraction, You get what you give, multiplied)  Huwag ka na rin magpapaniwala sa mga Bugoy sa internet na nagsasabing “kinopya lang sa internet yung books o blogs” blah blah, The truth is, lahat ng knowledge at information na nakukuha ng mga tao sa iba’t ibang personalities, from newbie to expert level sa kahit anong larangan, Hindi nila yun nadiscover on their own, kahit sa mga school systems, lahat ng tinuturo dyan eh itunuro lang din nung nagturo na tinuruan lang din at binasa lang din and so and and so forth, Hindi lahat ng tao ay Albert Einstein or Michael Faraday. Ganyan lang tayo dito, nagtutulungan, nagbibigayan ng mga impormasyon, Hindi natin kailangan na madiskubre lahat ng mga bagay on our own para magkaroon tayo ng karapatan magturo. Kaya dapat ay magpasalamat ka palagi sa mga blessings na ganito at umiwas sa mga negatibong personalidad sa social media. Hindi ka nosebleed dito, tagalog at straight to the point.

Salamat ng marami sa pagbabasa. Godspeed

 

Written By
More from Morpheus Tyler

Pennant Continuation Pattern

Nabibigla ka pa rin ba minsan kapag may stock na bigla bigla...
Read More

9 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *