Para sa mga 1st timer na Gusto Pumunta ng Israel

Sino ba naman ang hindi gusto pumunta ng Israel… Yun lugar na sikat sa buong mundo dahil sa makabuluhang kasaysayan nito. Yun lugar kung saan mismo ang Diyos ito ang pinili nya, sabi nga its The Holy Land, The Chosen Nation. Dito din nangyari ang paghati ni Moses sa dagat. Dagat hahatiin sounds impossible diba. Pero kung believer ka, yan ang sinasabi sa Bible. Dahil sa lugar na ito nangyari ang maraming himala. Lugar kung saan ipinanganak, namatay at muling nabuhay ang ating tagapagligtas. And as a Christian isa yang dream come true para sa atin. Yun mapuntahan at lakaran mo ang mga yapak na nilakaran ni Jesus Christ. Hindi lahat nakakapunta dito at wala namang mali dun. Pero kung mabigyan ka ng kakayahan na makapunta, isa itong napakalaking pagpapala. Sabi nga ng isang Israeli sa akin doon, “You are here in Israel, you are Blessed”… Napakasarap masabihan nun, I’m not expecting those words but when you hear it ang masasabi mo na lang is, “I’m so unworthy, but thank you Lord”. 

Ancient Caesarea, Remains of Crusader Fortress

Eto lang masasabi ko, pag nandun ka na iba yun pakiramdam. Maluluha ka, para kasing grabe its unbelievable. Masasaktan ka, pagpunta mo sa lugar kung saan pinahirapan si Hesus may kirot sa puso. Masaya dahil alam mong yun ang Holy Land at nandun ka. At pag paalis ka na, para bang ayaw mo pang umalis. Meron something sayo na naiwan sa lugar na iyon.

Ang mga isusulat ko sa blog na ito ay yun mga ginawa ko mismo, mga observation ko dun at kung paano ako nagtour. At kung ano ano pang tips para hindi kayo mabudol at mapadali ang pagstay nyo sa Israel.

The Mediterranean Sea, Tel Aviv Beach. I’m standing on the highs of Old Jaffa for a nice view of the beach.

Una. Pagusapan natin ang mga Jews (Hudyo), para lang po sa kaalaman ng hindi pa alam. Ang religion po ng 80% Israeli people ay hindi Kristyano kundi Jews sila. Wala pa sa 8% ang Christian dun at ang natira is mga Muslim at iba pang religion. Kahit si Jesus Christ ay Jews din po ang religion niya, at ang mga apostol na ang nagpakalat ng Kristyanismo sa mga gentiles (tayo yun). In short, hindi po sila naniniwala kay Jesus Christ. Ayon sa aming tour guide, sa Nazareth onti na lang ang Christian. Ang Mayor dun is Muslim at may bagong declare na rules sa kanila na bawal sa ngayon ang Christmas celebration (publicly). Ang Bethlehem (nasa West Bank yan) sobrang onti na din ng Christian 2% at kagaya ng sabi nila darating yun time na mauubos na sila dun. Sa lugar kung saan mismo pinanganak si Hesus. Mostly is Muslim na sa mga lugar na yan. Siya nga pala wag po kayo makipag diskusyon or makipag argue ng Faith sa kanila pag nandun na kayo. Friendly reminder lang.

Tips: Conservative and religious ang mga Jews, lalo na pag nasa Jerusalem ka kung saan makikita mong iba ang itsura talaga nila. Nakaitim, yun mga patilya or gilid ng buhok mahahaba. Basta makita mo naman iba kasuotan nila. Actually hindi ko pala alam kung conservative or parang ayaw madikitan. Sa bus sumakay kami ng friend ko kami lang hindi jews or iba ang itsura, grabe tingin sa amin. Minsan naisip ko na pwedeng sariwa pa din ang sugat nila mula sa nangyari ng time ni hitler/nazi. Na tila ayaw na nilang masaling ulit.

Orthodox Jewish

Pangalawa. Ang tawag sa pera ng Israel is Shekels, pagbaba mo ng airport pwede ka ng magpapalit dun sa Money Exchange. Ang salita nila is Hebrew. Ang thank you is Toda Raba. You can greet them by saying, “Shalom”. Ang pagkain naman is kebab, kubos, shawarma, falafel, humus na laging may kasamang pipino at kamatis sa side. Mahilig sila sa mga fruit juice/shake, lemonade juice at kahit saan makita mo yan. Lagi ka magtatanong kung magkano mga orders if walang price na nakalagay. Minsan kasi iba ang presyo pag turista ka. And fyi, mostly is vegetarian sila doon. 

Tips: Kung magpapalit ka ng pera sa mga ibang lugar dun, magtanong ka muna kung magkano ang palitan. Yun iba kasi hindi nakapaskil kung magkano, pag napalitan na magugulat ka na lang ang baba pala kaysa sa normal exchange. Ako nga nagpapalit ako near sa Mall, binigay ko dollar. Hindi ko nakita na walang nakapaskil kung magkano at naiabot ko na ang pera. Nagask ako if how much is the exchange ang sinagot sa akin ang baba. Sabi ko, wag na lang. Sabi sa akin hindi na daw pwede kasi daw nakey in na nya, tsk tsk… Nabudol ako hahaha. About naman sa language, dont worry kasi halos marunong sila mag english dun.

Israel Money- Shekels

Pangatlo. Ang Airport ng Israel is nasa Tel Aviv which is the Ben Gurion Airport, Terminal 3 mga International flights. Galing ako ng Ukraine kaya 3hours lang yun byahe ko at mura lang din pamasahe ko. Para makahanap kayo ng mga murang ticket sa pagtravel gamitin nyo po ang Google Flights (search lang), at mas mainam na naka Incognito po kayo tuwing magssearch kayo ng tickets or flights.

Kung papunta ka ng Central Bus Station (Takana Merkazit sa Hebrew) sasakay ka ng Train nandun na mismo sa Airport. May nakalagay dun na way to train station, lalakarin lang. Then bibili ka ticket wala pa yan sa 15 shekels while ang taxi is nasa 100-150 shekels, magpapalit ka ng Shekels sa airport. Ang byahe papunta ng Tel Aviv Hahagana is mga 10-12mins lang, yun 1st unang station yun na mismo yun.

Tips: Pag Sabbath (shabath ang bigkas) walang train at mahal ang taxi dun. Kung pwede wag ka magarrive dun ng Saturday. Dahil dun pag Sabbath nila, friday pa lang ng hapon sarado na mga tindahan, shops at kung ano ano pa, wala din bus, pero meron mga taxi. Kung may bukas man restaurant sobrang onti lang nun at yan ay sa Tel Aviv. Pero halos lahat, kahit palengke sarado. Ginagalang nila ang Sabbath day nila. Pwede mong sabhin sa Israeli as sign ng pagbati is “Shalom Sabbath”

Pang Apat. Kailangan ko ba ng Visa pagpunta ng israel at magkano? Tayong mga Pinoy, hindi natin need ng Visa para pumunta ng Israel. In short, Visa free po tayong mga Pinoy dun unless magttrabaho ka, dun mo lang kailangan ang visa. Pero kung mamasyal at tour ka lang, hindi mo na yan kailangan. At ang visa dun is good for 3 months/90 days. Wag ka magalala dahil hindi nila yan itatak sa passport mo, okay… Wag kang kabahan dahil alam na alam nila yan. Kasi may mga bansa na pag nakita nila na pumunta ka ng Israel, hindi ka na makapasok sa bansa nila. Kaya wala talagang tatak. Wag na makulit. Kahit hindi ka pa nag Ben Gurion airport at ang ginawa mo dahil sa pagiwas is dumaan ka by border sa Jordan, wala pa din tatak. Yun kaibigan ko galing ng UAE, bumaba sya ng Ben Gurion airport pero hindi tinatakan ang passport, yun nakilala namin dumaan sa Jordan by border, wala din tatak na visa ang passport. Bibigyan ka lang nila ng parang maliit na papel/id/soft paper id, na yun ang magiging visa while staying there. Ingatan mo yun na wag mawala. Libre yun ha, walang bayad… FREE

Owie and Me- Galing sya UAE, ako naman from Kiev. This is the Meir Garden, near this park is an LGBTQ Center.

Tips: Kung galing ka ng Jordan, UAE, Egypt or Morocoo ayos lang, walang problema. Eto nga pala yun list ng mga bansa na ayaw magpapasok pag nakita may tatak ng Israel ang passport mo. At kung currently nagwwork ka sa mga lugar na ito, wag mo na muna ipilit na magpunta ng wala ka maging hassle. Hindi sila friendship, ganun ang meaning okay…

  • Syria 
  • Lebanon
  • Libya
  • Kuwait
  • Iran
  • Iraq
  • Pakistan
  • Saudi Arabia
  • Sudan
  • Yemen

Pang Lima. Mahigpit ba ang Imigration pagpasok mo ng Israel? Eto laging itinatanong if mahigpit daw ba. Nung ako po kasi galing dito sa Ukraine, wala pang 3mins nakalabas na ako ng Immigration. Meaning naging sobrang luwag ang pagpasok ko. Pagtayo ko sa counter ng Immigration ang sabi lang sa akin, “What are you going to do here in Israel?” Syempre nagsabi ako ng tutuo, I want to visit the Holy Land as a Christian its a dream come true for me. Magsasabi ka lang ng tutuo, chill lang. Then tinignan Passport ko at yun ticket ko sa eropalano. Yun lang 2 na yun, hindi ako hinanapan ng show money, at kung ano ano pang bagay. Basta dalawa lang, passport at ticket and yun magic question nila. After that, iprint na nila visa mo at sasabihin nila na “Enjoy Israel”.

Me, standing in front of the Wailing Wall. The most religious site in the world for the Jewish people, located in the Old City of Jerusalem.
This is my prayer request as King Solomon’s prayer, 1 Kings 8: 41“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— 42 for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when they come and pray toward this temple, 43 then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name.

Sabi nga ng iba, madali lang pumasok ang mahirap is yun pag uuwi ka na. Actually hindi naman mahirap, pero matagal lang sa sobra haba ng pila paguwi. Dahil mahigpit sila pag uuwi na ang foreign, as in lahat ng hand carry mo iccheck nila yan at dun natatagalan. Kaya maaga ka dapat sa airport pag pauwi ka na ng hindi ka maiwan ng eroplano. Safety first sila which is very okay at tama naman. 

Tips: Yun Birthday mo pala baka matanong ay mataranta ka na at iba masabi mo syempre dapat alam mo yan. Ilan taon ka na. Mga simple question na magpapatunay sa passport mo na ikaw yun. Mas mainam na may dala kang ibang ID, just incase na medyo malayo yun itsura mo sa passport at personal. Alam mo din dapat kung saan ka naglast travel at kung kailan yun. Kung galing ka sa UAE medyo madami tanong sayo, kung ano ginagawa mo dun. Mga simpleng tanong lang na kayang kaya mong sagutin. Maingat kasi sila dahil baka may makapasok na spy/espiya. Dahil ang Israel pinagaagawan at hindi consider na country/bansa ng ibang lahi. Tawag ng iba dyan is Palestine

Mount of Beatitudes- believed to be the setting for Jesus most famous discourse, the Sermon on the Mount

Pang Anim. Ano ano mga hinanda ko personally bago pumunta ng Israel? Eto importante ito, para sa mga Tour na gagawin mo. Kumuha ka ng travel insurance kung saan ka galing na bansa. So ako kumuha dito sa kiev, mura lang naman yun kung iconvert ko sa peso mga P500 lang. Hindi mo need mag hotel kung tama lang ang budget. I suggest na mag AirBnB ka na lang (search lang sa Google) dyan ako kumuha ng matutuluyan. Magsipag ka lang maghanap ng mura marami naman yan, kung san ka comfortable at yun nandun mismo sa center. Dahil maghapon nasa labas ka naman, nasa tour so need mo lang yun place para tulugan at maligo.

4 days ako sa Tel Aviv Yafo, saYafo ako mismo kumuha ng room na matuluyan para walking distance na lang pag pwede naman lakarin. Gumamit ka ng Google Maps, para hindi ka maligaw mapa bus man yan or lakarin, pag hindi mo alam mag Google maps ka. Pwede ka din magdownload ng offline maps just incase wala kang internet pag nasa labas ka ng bahay. Siya nga pala pagdating mo sa Tel Aviv alam ko na medyo madisappoint ka, kasi parang Manila lang itsura nya. Karaniwan lang. Dont worry, sobrang ganda ang near the beach at ang Old Jaffa. The best… Ang nightlife sa Tel Aviv sobrang busy sa daming foreigns. And sa Tel Aviv fyi, minsan sa mga bahay or establishement meron kang makita na mga Rainbow Flag, it means they are Gay friendly, welcome na welcome dun ang LGBT people and community. Ingat sa paglalakad yun bag nyo or sa sasakyan baka mabuksan ang bag, dahil iba iba ang lahi sa Tel Aviv. Maging maingat.

La Carmel Market- Don’t forget to visit this place, beware of pickpockets.

3 days ako sa Jerusalem, ayy sobrang ganda at bango dun. AirBnb din kinuha ko. Hinanap kong lugar is yun malapit at walking distance na sa mismong “Old City”. Kasi yan ang pasyalan dun. From Jerusalem nagbus na lang kami papuntang airport. Ang nos ng Bus is 485 ang byahe is mga 45mins to 1 hour at 16 shekels lang ang bayad. Kaya wag kang mag taxi papuntang airport. 

Pag nag Tour kayo, I suggest mas mainam na kumuha kayo ng guide, nun ako nagbook ako ng mga tour ko. Heres the link https://www.touristisrael.com/tours . Because it’s my 1st time at malalayo pati mga lugar, mahirap din yan kung idrive at magrent ng car. Para malaman mo din ang history dahil ikkwento yan ng tourist guide and its very important to know whats the story behind. Its comfortable and easy for you as a tourist. Hindi naman din mahal, its a very reasonable price.

Via Dolorosa- Station of the Cross

Tips: Expensive ang Israel mapa pagkain or tirahan, hindi mo naman need maging magastos. Ang bilihan ng souveniers is sa Jerusalem dun sa loob ng market may mga mura dun. Kung mag Bethlehem kayo, mura din dun ang mga souveniers. Pero I suggest sa loob na lang ng market ng Jerusalem, shekels ipambili mo. Pag naghanap kayo ng room or matuluyan, meron around 25-35 dollars per day/night at mura na yan. Hanggang $50 per day is mura pa na maconsider. 

Pang Pito. In short, nun pumunta ako ng Israel kahit naging maluwag sa akin ang Immigration dun. Pero ready talaga ako sa mga documents, papers and money just incase na hanapin. Eto mga dala ko, dahil syempre gusto ko walang maging problema.

  • Passport, Ticket (balikan) (yan 2 lang hinanap sa akin sa Immigration)
  • Travel Insurance
  • Airbnb Receipt/Accomodation/ or kung Hotel kayo
  • Tour Itinerary 

(1) Airport Arrival- (2) Exchange my Money- (3) Ride a Train to Tel Aviv, Hahagan- (4) Bumili ako dun ng Sim card 60 shekels, 1 month internet na which is more wiser and very beneficial to use- (5) My house is near the Central train station so its walking distance, use Google Maps. *Don’t forget to contact your hotel or Airbnb Host bago kayo pumunta ng Israel at pagdating nyo ng Israel. Just tell them na parating na kayo, so they can ready your room at walang maging hassle. 

Yan sobrang detalyado na nyan. Wag ka matakot magpunta dun, medyo mahaba lang sulat ko pero easy lang ang pagpunta. Gusto ko lang na well-informed ka at ayaw kita magka problema. Eto naman mga pinuntahan ko, you can visit my Youtube channel or facebook account dahil nandun iba pang mga videos and pictures ng travel ko sa Israel. 

  • 1st Day of Tour– Caesarea, Haifa, Rosh Hanikra (Israel and Lebanon Border) and Acre tour
  • 2nd Day of Tour– Tel Aviv, from Old Jaffa, Jaffa Port, Jaffa Flea Market, Tel Aviv Beach, La Carmel Market, Meir Garden, Rothschild Blvd., Dizengoff Mall  (North to South) Bus, Bicycle and Walking (means of Transpo)
  • 3rd Day of Tour– Galilee, Nazareth, Sea of Galilee,(Northern Israel), River Jordan tour 
  • 4th Day of Tour– Jerusalem Tour, Old and New, Yad Vashem Museum (is a Must na puntahan)
  • 5th Day of Tour– West Bank (Palestine Area), Bethlehem, Dead Sea, Jericho, and Qumran Tour

Tips: Always comfortable shoes or sandals, dahil maraming lalakarin. Wag na din magshort or sleeveless, always wear proper/modest clothing. Dahil may mga holy site at simbahan kayo na papasukan, if hindi modest clothing suot nyo hindi kayo papasukin. Mainam din magdala ng sumbrero or shawl para may pantakip sa ulo mapa mainit man or sa loob ng simbahan. Yun pakiramdam kasi na sa sobrang sacred ng lugar need mo takpan ulo or buhok mo. Sa lalaki dapat lagpas tuhod, kaya magpants na lang. 

Yad Vashem is the second-most-visited Israeli tourist site, after the Western Wall. It does not charge any fee for admission, FREE. 6 Million Jews ang namatay ng panahon ng Holocaust. Walang pinili, bata man o matanda. At hanggang ngayon hindi ko naiintindihan kung bakit nangyari itong ganito kabrutal sa kasaysayan. Maluluha ka sa sinapit nila, at mapapatanong kung, “Bakit”

Me at the Jordan River. Baptism by Water.

Pumunta ako ng September 2018 which is mainit pa but carry naman. Pocket money ko is $1k pero nagastos ko is $400 lang in a week. Kung mas marunong lang ako mas makakatipid pa sana ako, pero ayos na ayos na yan. Ang airfare cost ko is $400 balikan, actually meron mas mura atleast $300 hindi ko lang naibook agad. Gamitan nyo lang po ng Google Flights ng makahanap ng mura.

Kung gusto nyo talaga pumunta dito wag nyo indahin yun gastos, pagipunan nyo po kasi once in a lifetime experience siya at masasabi ko talagang very unforgettable. Kung sumahin ko ang gastos kung nasa Pinas ako, lahat ng nagastos ko kulang pa pamasaheng balikan Pinas to Israel. Kaya masasabi kong its worth it talaga, tipid na. If you will ask me kung saan ko nakuha ang pinanggastos ko, galing po ito sa kinita ko sa Google Adsense, blogging and youtube videos. Ganun kagaling si Lord magprovide, yeyyy…

Mountain of Temptation, where Jesus fasted for 40 days.

Sabi nga “Let it happen to you according to your Faith, A Faith that can move every mountain”.

God bless us, may all your prayers and dreams come true.

 

Written By
More from Guillen Rocher

Empire Community

Traders Artwork Traders Meetup Empires Heart
Read More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *