Paano labanan ang FOMO

1
1

Paano labanan ang FOMO…

Marami na namang mga nagliliparang stocks ngayon at sa sobrang dami, minsan hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong i-trade, Pero gaya nung mga nagdaang mga buwan o mga taon (depende kung gaano ka na katagal sa trading) eh hindi ka pa rin umuusad. Hindi nadadagdagan yung pera sa account mo. Oo nananalo ka madalas, pero madalas ka rin matalo. Magbabalik tanaw tayo ng konti, Sa mga nakaraang trading experiences mo at gusto natin na alalahanin mo maigi, dahil marami kang lessons na mapupulot from past mistakes. Isa siguro sa pinakamahalagang itanong mo sa sarili mo,

  • “Papaanong nangyayari na sa dinami-rami ng mga nagliliparang stocks  
  • ay hindi ka nakakapag take advantage?”

Mga *multi- baggers, *multiple ceiling plays, *strong trends. Marunong ka naman mag trade, Marami ka na ring techniques na natutunan pero hindi ka nag advanced in terms of profits. Baka isa sa pinakamalaking kalaban mo eh itong tinatawag nila na FOMO.

Fear of missing out or FOMO for short, opisyal na idinagdag sa Oxford dictionary noong taong 2013. Isa sa pinakamalaking dahilan ng pagkatalo at sumisira sa diskarte ng isang trader,

  • Ano nga ba ito?
  • Saan ito nagmumula?
  • Paano mo ito maiiwasan?

Dahil almost 100%  naman siguro ng mga nagbabasa nito ay stock traders,  magpo focus tayo sa stock market definition at implications nitong five year old acronym na ito, Hindi tayo magpo- focus sa general definition na mostly social media related.

Fear o takot sa salitang tagalog, Natatakot ka na maiwanan ng mga lumilipad na stocks. In reality wala naman talagang literal na “fear” during fomo, Wala namang signs of danger at wala ring threat sa’yo yang mga stocks na tumataas. The word fear is not applicable here, Ang fear mo lang dapat ay yung fear na mawalan ng pera dahil pera mo yan (pera ng asawa’t anak mo kapag pamilyado ka kaya warranted ang fear na mawalan). Pero hindi ka dapat makaramdam ng fear o anxiety na mawala yung isang bagay na hindi naman naging iyo. (hugot?)  Wala yang threat sa buhay at kalusugan mo, Walang threat sa relationship mo, Walang threat sa trading account mo (At wala ring threat sa alaga mong aso.) Kung iisipin mo, eto talaga yung nararamdaman mo “during fomo”, Inggit, Pagka mainipin at kasakiman o yung tinatawag nila na “greed” sa salitang ingles.

Inggit- (Envy) Gusto mo na mayroon ka rin nung kung anong stocks na hawak ng mga friends at idol mo sa social media, Nasisilaw ka sa mga pino- post nilang malalaking percentage gains, Ang kadalasang nangyayari eh nagiging emosyonal ka at napapabili na rin kahit walang plano at hindi mo alam yung setup. At dahil naiingit at nasilaw ka, hindi mo na inisip na magbebenta na sila ng stock na hawak nila at ikaw naman ay bibili pa lang. Ang ending, hindi ka na kumita, natalo ka pa.

Greed– Minsan kumita ka na sa mga trades mo, minsan pa nga ay naka quota ka na pero nakakita ka na naman ng bagong hot stock at nag trade ka ulit imbes na magpahinga na lang. Hindi ka na naiingit nyan, nagiging gahaman ka na lang talaga, Sa  bandang huli matatalo ka sa trade na yon na hindi mo naman pinlano. Masaklap pa kung yung talo mo eh mas malaki pa dun sa panalo mo. Sa kagustuhan mo na i trade lahat ng tumataas eh nagiging reckless ka na at binabalewala na yung techniques at discipline na naging dahilan ng previous wins mo. Ang ending, dahil naging reckless ka at feeling mo na ikaw na ang Batman or Superman ng trading eh mas malaki pa yung allocation mo dun sa ipinatalo mo, kesa dun sa trades (plural) na kung saan ay nanalo ka, Mas malaki pa yung nag isang talo mo kesa dun sa mga recent na panalo mo. Naalala ko yung isang quote sa isang lumang RPG videogame from way back-  “If you want everything, You’ll end up with nothing”.

Impatience o pagka mainipin, walang tiyaga. Minsan may mga good trading ideas at good setups ka, Pinag aralan mo maigi, maganda ang position mo at hindi ka pa naman talo, Pero dahil nakakita ka ng stock na lumilipad eh nag cut ka ngayon at iniwan yung position mo para humabol dito sa lumilipad na stock. Ang masaklap eh one day wonder lang pala yung stock na yon, walang magandang build up at minsan wala ring good catalyst. Ipinagpalit mo yung magandang position mo para dun sa mabilisang tumataas noong araw na yon. Ending- Mabilis din syang bumagsak at hindi na tumaas ulit.  At parang na instant karma ka dahil saka naman tumaas yung stock na iniwan mo na pinag aralan, pinag planuhan at inalagaan mo.

Lessons:

Malaking damage ang ginagawa ng inggit sa trading life mo, Dapat mo ma- realize na hindi mo kailangan mainggit dahil mayroon ka rin namang sariling diskarte, Iba ka at iba rin yung magagaling na traders sa PSE, May mga unique qualities at advantages ka sa ibang traders na kailangan mo lang ma realize at pagyamanin. After all, ikaw naman talaga ang nag- iisang susi sa tagumpay mo at hindi ang ibang tao, Gaya ng sila rin ang naging susi sa tagumpay nila at hindi ikaw o ibang tao.

Iwasan mo na rin ang pagiging gahaman, dahil kabaliktaran yan ng approach mo kapag nananalo ka, Napansin mo ba? Yung mga panalo mong trades, usually yun yung mga pinagpa planuhan mo maigi, hindi mo binibigla at siguro mas maliit yung allocations mo sa mga panalo mo kesa sa mga losing trades. Nananalo ka kapag may trading plan ka at natatalo ka naman kapag nagiging reckless. Alalahanin mo maigi. Huwag ka nang masyadong mainipin dahil kung hindi ka kumita ngayon, kikita ka naman bukas o sa mga susunod na araw, Hindi naman kasi sabay sabay ang pagtaas ng mga stocks na yan, Hindi porke naunang tumaas yung ibang stock eh hindi na tataas yung sa’yo. All we need is just a little .. patience (G’n R reference).

        Paano maiiwasan itong inggit, greed at impatience? (FOMO for short)

Simple lang, mindset kaibigan. MINDSET, (M- I- N- D- S- E- T).  Dapat ngayon pa lang ay ipangako mo na sa sarili mo na magpo focus ka na sa sariling trading plan mo at hindi ka magpapa apekto sa kung ano-anong nangyayari sa trading world at social media, Bigyan mo ng utmost importance ang main objective mo sa trading which is kumita, maka quota at huwag matalo ng malaki.

Mahalaga na may trading plan, Pero mahalaga rin na meron kang “no trade plan”, Wala pa tayong maisip na mas mainam na term kaya yan muna ang gagamitin natin. No trade plan, Sa tingin ko ito ang pwede makatulong dyan sa tinatawag na fomo, Kailangan may plano ka rin umiwas sa mga trades na hindi naman talaga para sa’yo dahil dumarating talaga yung mga ganyang scenario. Trust me, makakadagdag ito sa confidence mo, (Hindi dahil nanalo ka, dahil hindi ka naman mananalo sa stock na hindi mo binili, pero confidence booster ito dahil nababawasan ang uneccessary risks sa laro mo at magiging less stressed ka)

Kaya matuto kang tumanggi paminsan minsan – Hindi lahat ng trades ay para sayo, Hindi lahat ng trades ay para sayo, Hindi lahat ng trades ay para sayo (3 ulit para matandaan mo…) Hindi porke nakita mo na maraming nanalo sa isang stock ay makikisakay ka na rin agad. Pag aralan mo na kontrolin ang sarili. Malaking bagay din yung “self talk”, Kapag hindi ka talaga komportable sa stock na tumataas at hindi mo kabisado ay huwag mo nang ipilit, Panoorin mo na lang at pag aralan maigi. Isang simpleng “hindi para sakin to, marami pa dyan”  para lang masanay ka na i-remind sa sarili mo ang mga bagay na hindi mo dapat gawin, Pwede mo naman kausapin ang sarili minsan during trading hours (Huwag ka nga lang sasagot, dahil ibang usapan na yon pag ganon)

Respect sa sarili at sa Trading Plan. – Ikaw ang gumagawa ng trading plan mo, ibig sabihin lang, may respeto ka sa sarili mo kapag nirerespeto mo ang plano mo. Kung hindi mo kaya i respeto ang sarili/plano mo, Walang ibang rerespeto sa’yo, hindi ka rin irerespeto ng mga stocks na yan, Hindi ka nya bibigyan ng reward.

At syempre, pinaka importante sa lahat ay ang Tiwala sa sarili at sa Skills mo, Kung magtitiwala ka pa lalo sa sarili mo, Hindi ka na makakaramdam ng inggit sa ibang traders dahil alam mo na marami pang susunod na good trades at makakapag execute ka na ng maayos sa susunod, Okay lang na may ma- miss ka paminsan- minsan kesa mag reckless trading ka.

Bukod pa sa walang sawang pag aaral,  Malaking bagay din ang Meditation, Gusto natin na optimized palagi ang mind mo sa lahat ng oras, Makakatulong din ito ng malaki sa maraming aspeto ng buhay mo, hindi lang sa trading.

Bago natin tapusin itong artikulo, Gusto ko lang i-remind sa’yo na magaling ka naman talaga kung tutuusin, Medyo kulang ka lang siguro sa Disiplina at Gabay, Marami ka na ring natutunan sa mga magagaling na traders natin dito sa PSE at sa mga sariling studies mo. Kaya galingan mo pa lalo. At syempre, dapat palagi kang positive, Balewala lahat ng skills, knowledge at experience sa kahit anong larangan kung negative person ka, babalik lang lahat yan sa zero. Kaya stay positive ka lang kaibigan at dapat lagi tayong grateful para lagi natin naa- attract yung mga bagay na ika- gegrateful pa natin lalo.

 

Written By
More from Morpheus Tyler

No Nosebleed Guide on Gap Trading

Ano nga ba ang GAP sa trading? Ito yung mga laktaw mula sa...
Read More

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *