No Nosebleed Guide on Gap Trading

1
1

Ano nga ba ang GAP sa trading? Ito yung mga laktaw mula sa last na closing price papunta sa next opening price, Halimbawa, let’s say nag close itong stock na XYZ sa 35 pesos kahapon at nag open naman sya nang 39 sa next na trading session, Yan yun gap. Makikita mo yan sa chart na naka angat yung next (current) candle from last. Iba ibang klase yan, Titingnan at susuriin natin dito ang mga implikasyon ng iba’t ibang klaseng gaps.

  • Full gap– Ito yung klase ng gap na mas mataas ang opening sa closing at sa highest point ng last candle
  • Partial gap. Ito naman yung mas mataas ang open sa closing ng last na candle pero hindi sya mas mataas sa highest ng last candle.
  • Common gap or Fake gap, Ito yung gap na may visible na gap sa chart mo pero technically wala syang laktaw, for example, last closing price is .5000 at at nag open sa .5100 at may fluctuation itong stock na 0.0100, Obviously, magkasunod lang yan dahil wala syang buy/sell option na “.5050” in between. Maari syang mag appear na gap sa chart pero hindi sya gap up in price.

    (Clothing brand po yan… ooops!)

Depende rin kung Saan mo makita yung gap kung anong klaseng gap sya. Meron tayong tinatawag na “breakaway gap”, ito yung gap maaring galing sa sideways or sa pivot points na maaaring maging signal ng reversal. Meron din namang tinatawag na “runaway gap”, ito yung gap na makikita mo sa mga may existing trends na (possible continuation). And finally, yung tinatawag na exhaustion gap, Makikita mo sya kapag patapos na yung trend, “last hurrah!” kumbaga. I- examine natin maigi itong mga example sa baba kung ano ang mga nangyari after gaps.

SSP- Breakaway Gap

 

Malaki ang naging profits mo dito kung nai-trade mo itong breakaway gap ng SSP nung February of this year, possible 60% upside.

ORE- Breakaway gap

Recently lang ito, tumaas sya ng up to 60% last month after a gap.

WIN- Runaway gap

Pangalan pa lang, panalong panalo na. Pero hindi tayo nagte trade ng pangalan dito, May good breakaway gap sya at sinundan pa ng runaway gap after three days kaya gumanda ang takbo nya.

RLT- Fake Gap

 

Eto naman ang isang example ng common gap o pwede mo rin tawagin na fake gap, Dahil technically, magkasunod lang ang price nya sa fluctuations na 0.0100 (medyo mag ingat ka dito, I examine maigi at tingnan muna ang susunod na reaction)

VITA- Exhaustion Gap

 

Ito naman ang implikasyon ng exhaustion gap, Ibig sabihin lang ay patapos na ang trend. Dito sa example, makikita mo na sobrang tarik na ng itinakbo nito. Ang gap sa taas ay nag iimply ng katapusan ng isang trend, Nakumpirma ito sa mga sumunod na araw at bumagsak na nga ang price nya.

IRC- Partial Gap example

 

Gaya ng nasabi natin dun sa taas, Ang partial gap ay kapag mas mataas sya sa last na closing price pero hindi mas mataas sa pinaka highest ng last day. Dito sa example na dalawang magkasunod na partial gaps, tumaas sya ng almost 80% from March to July 2018.

Ayos ba?  Kaya next time, i- examine mo maigi ang mga gaps na yan, Kung breakout trader ka man, bounce trader o  kung Newbie ka na nag aaral pa, malaki ang maidadagdag nito sa arsenal mo. Pwede ka gumamit ng mga moving average techniques at mga momentum indicators para lumakas lalo ang conviction mo like RSI, MACD, stochastics etc.

More profits to you!.

Written By
More from Morpheus Tyler

Swing Low Entry Fail- Lessons on Cutting Losses Quickly

Always sell your mistakes while the loss is still small- William J...
Read More

4 Comments

  • Ang ganda ng paliwanag nyo po maam rocher. Maraming salamat. Ang dami nmin natututunan sa inyo na libre pa. Naway marami pa kayong matulungan na kapwa natin pilipino na guminhawa ang buhay. Dagdag kaalaman na pwede na nmin maiplay ito sa aming pag ttrading. God bless… and more power traders empire for life…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *