Iwas Sunog

Minsan may mga simpleng patterns sa charts na magpapadali ng buhay mo, Ililigtas ka rin nito sa malalaking talo. Mga two candle pattern na sobrang simple at magbibigay sa’yo ng clue sa mga posibleng mangyari.

Gusto muna natin magpasalamat sa mga avid readers ng mga sinusulat natin dito, Maganda daw ang feedback, Natutuwa naman tayo na nakakapag contribute sa trading community, Nakikita natin na may ripple effect, Hindi tayo perpekto pero masaya tayo na nakakapag add ng awareness sa mga importanteng bagay na makakatulong sa pagte trade nating lahat.

Engulfing pattern. Either Bullish engulfing o Bearish engulfing, Maaring nabasa o narinig mo na to sa iba at hindi mo masyado na gets.  Tamang tama na nandito ka, dahil ang trabaho natin dito ay padaliin ang buhay mo.

Engulfing:  Unang lumabas na tagalog word sa google translate ay “lulunin” o “lunukin”

Pero wag kang perv, yan talaga lumalabas sa google 🙂

Sa trading lingo, engulfing simply means kandila na mas malaki sa previous candle, Mas malaki sya at natabunan nya yung last candle, mas mataas yung pinaka highest nya at mas mababa rin yung pinaka lowest nya dun sa sinundang kandila, ito ang dalawang basic examples

Dito sa kaliwa yung tinatawag na bullish engulfing, maliit na kandila at sinundan ng isang green na malaki, Hindi lang sya basta malaki, mas mababa yung lowest point nya kesa dun sa lowest ng previous candle at mas mataas din yung highest at closing price nya.

Ito namang nasa kanan ay ang bearish engulfing pattern, mas malaki yung sumunod na kandila, mas mataas yung highest point pero nag close sya ng mas mababa

Tingnan natin sa mga chart examples kung ano ang usually na nagiging epekto ng bullish engulfing pattern.

$ATN-  recently lang ito, nagkaron ng engulfing pattern bago umakyat ng mataas

$FOOD- half body ng main (engulfing) candle ang good support sa ganitong setup Pero mataas na yan, example lang ito, hindi natin sinasabi na bumili ka sa monday

$IRC

$ISM- almost 80% upside after bullish engulfing

$PRMX- hindi sya bumaba ng mas mababa sa last candle, pero valid an engulfing ito.

$PXP

$TECH

Nakita mo na kaibigan? Minsan sa mga napaka simpleng bagay lang, lalakas lalo ang conviction mo. Minsan mas malakas pa ang implikasyon ng mga engulfing candles keysa sa mga momentum at lagging indicators. Malaki ang chance na tumaas pa ang presyo after a bullish engulfing pattern.

Tingnan naman natin yung Bearish engulfing, Kung ano ang usually na nangyayari after ng pattern na ito

$LTG- major clue ng downtrend

$RLT

$ROCK

$VUL- Nag uptrend ito ito after long sideways (But that’s not the point, hindi mo alam na tataas ulit)

$X- mas malayo ang closing sa last candle, mas malakas ang epekto

$CHP

$NOW- May mga multiple bearish engulfing patterns na ito, Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo at hindi mo kailangan gawing komplikado ang lahat.

Isang mainam na paraan para makaiwas sa bearish engulfing ay ang konsiderasyon na magbenta kapag nag open ito with gap at bumababa na ito sa kalahati ng previous candle. (Depende pa rin sa trading plan mo lalo na kung may base ka)

Mahirap kalaban ito, Lumalaban ka sa agos kung umaasa ka ng quick bounce after bearish engulfing. Maiipit ka lang at walang garantiya kung kelan ka makaka breakeven.

Ayos ba? Malaki ang maitutulong nito sa’yo, So next time na hindi ka makapag decide kung magbebenta ka na ba ay tingnan mo kung may mga engulfing patterns ba, Minsan hindi mo yan makikita kahit nasa harapan mo na, lalo na kung bullish ka sa stock mo. ( kahit iba na yung sinasabi ng charts) May mga time na sa dami ng indicators mo sa chart ay hindi mo na napapansin yung mga simple pero napaka importanteng bagay.

Kapag nalilito ka, kapag naglalaban yung nararamdaman mo, subukan mo tanggalin yung mga indicators na nagpapakomplikado sa charts mo. Mas makakakita ka ng malinaw, “Complexity is the enemy of execution” sabi nga ni Tony Robbins, hindi lang yan sa pagbili ng stocks, Sa pagbebenta rin, minsan kailangan mo lang gawing simple.

 

Written By
More from Morpheus Tyler

Paano labanan ang FOMO

Paano labanan ang FOMO… Marami na namang mga nagliliparang stocks ngayon at...
Read More

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *