IRC and ABG 52 Week High Breakout Trades

Medyo bearish pa rin ang PSEI kaya dapat sigurista tayo, Hindi naman mauubos ang mga opportunities para sa mga profitable trades kaya huwag ka manghinayang magbenta. Share ko itong simpleng strategy ko sa IRC at ABG swing trades na ibinenta ko na kahapon- 52 week high breakout strategy

 

Ayos ba? Naka 22% tayo sa IRC, Nagbenta ako malapit sa resistance

Reasons for buying IRC: Main consideration is uptrend ito at ilang beses sya nag create ng new 52 week high since last month

IRC trend on the weekly chart

Kung makikita mo dito sa pic sa baba, bumili muna ako ng kalahati ng position size na gusto ko para sa trade na ito.

          •Nag antay muna ako kung healthy pullback

          •New 52 week high served as support

          •Kinumpleto ko ang position size ko para sa stock na ito nang mag form na sya ng bullish flag.

At syempre, nagbenta na ako bago pa umabot sa resistance which is around 1.30 (Pwede naman bumalik kapag may valid entry na ulit. )

Ngayon baka itatanong mo, “Bakit nagbenta ka agad eh mukhang papataas pa lang?”

Kaya ako nagbenta ay dahil yun ang nasa plano ko, na magbenta malapit sa area of resistance, Kung gusto mo talaga ng consistent gains, Trading plan at proseso na sinusundan mo ang dapat na masunod, hindi yung nararamdaman mo ( na mostly greed lang naman).

May sarili ka dapat plano, at syempre susundin mo kung ano ang nasa plano mo, Hindi mo dapat i-trade yung plano ng iba.

Iwasan mo rin na i -pressure ang sarili, Huwag kang maiingit kung mas mataas ang percentage gains ng kapwa trader mo at kung mas mataas pa ang potensiyal na kikitain nila pagkatapos mo magbenta ng parehas na stock na hawak nyo, masisira lang ang diskarte mo pag ganyan. Huwag ka ring makikipag magalingan kahit kanino, Ang main goal mo is kumita at magpalaki ng trading account 🙂

ABG   Reason for buying: 52 week high breakout

Nagbenta ako ng kalahati towards EOD (End of Day)

At napilitan na ibenta na lahat kinabukasan ng umaga dahil sobrang bearish sa intraday, Konti lang ito, worth almost 50k lang, pero good trade dahil easy money.

Ang laki ng kinain sa gains ko kung hindi ako nagbenta agad

Ayos ba kaibigan? Ang payo ko sa’yo ay easy ka lang, Gawa ka ng trading plans para makapag execute ka ng maayos kapag dumarating ang mga opportunities, At ang pinaka importante sa lahat, Huwag mong kakalimutan na magbenta (Kung kasama sa plano mo magbenta). Kung gusto mo talaga maging profitable na trader ay makuntento ka sa mga ibinibigay na biyaya ng merkado. Hindi mo kailagan ng 200% gains, 500% etc. hayaan mo na yan sa mga investors. (kung gusto mo naman mag invest, mag open ka pa ng separate account, para hindi conflict sa trading style mo)

At syempre, para lumago ang pera mo, Huwag kang magpapatalo ng malaki, Always sells your mistakes habang maliit pa ang talo, O kung hindi man, ibenta mo ang at least kalahati ng position mo.
Ugaliin mong magbasa dito para sa mga tips, direct to the point lang tayo dito mostly at yung itinuturo natin dito is ginagawa natin in real life, Hindi tayo nagtuturo ng hindi natin ginagawa kaya sigurado ka na effective naman ang mga ito.  Nawa’y may natutunan ka ulit na bago, Pero huwag mong kakalimutan na walang perpektong trading setup o trading style, Dapat ay ready ka pa rin palagi na mag cut kung hindi sumunod sa plano ang trades mo. Goodluck!

Written By
More from Morpheus Tyler

Pennant Continuation Pattern

Nabibigla ka pa rin ba minsan kapag may stock na bigla bigla...
Read More

4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *