GUILLEN’s DIARY 2nd

Written last Sept. 14, 2016.

Psalm 73:26 (NIV)
My flesh and my heart may fail,
but God is the strength of my heart
and my portion forever.

The moment you realized, “Ang dami ko na pala naisulat”… Really it’s not me, kung ako lang completely give up. I remember the other day, I was completely complaining, sabi ko;

“Bakit di Mo naman ako tulungan, pinapabayaan mo naman ako (sad face) 🙁 ….

I was completely blind, that the only thing I see and care is my struggle and feelings. When the truth is, He is never forsaking me.. He moves by other people, by their messages to me, support and encouragement. By those people who completely act like a soldier to me. Sobrang nahihiya ako but at the same time very thankful ako sa inyo. Sana masuklian ko mga kabutihan nyo sakin. THANK YOU…

Parang Chess lang, the board is the battlefield, may mga pawn, queen, king at iba pang piyesa.

Checkmate…

Gusto ko lang naman encourage yun nagbabasa nito, na kung kaya ko magsulat at mgawa itong mga ito, kaya mo din. Na kung newbie ka ngayon, newbie din naman ako dati at patuloy din na nagaaral. Pare-parehas lang tayo ng simula, magkaiba lang tayo sa finish line. Meron kasi nasa halfway pa lang gusto na maggive up, meron naman nagsisimula pa lang napanghihinaan na ng loob. Yun iba di pa nagsisimula ayaw na agad…

Kapag may nagsasabi sakin sa pm na, magiging tulad nyo din po ako, napapangiti ako.. But the thing is, di mo kailangan maging ako. You just need to be you in this race. Gawin mo lang ako inspirasyon or yun iba.. May naalala tuloy ulit ako yun kwento ng “KEEP DISTANCE”, “DISTANCIA AMIGO”. Madalas ko din ito ishare before, kwento ko sa inyo ha 🙂 …

If mapapansin nyo minsan sa likod ng ibang sasakyan may nakasulat “KEEP DISTANCE”. Para saan ba yun, it’s for your safety. You need to put some distance between your car and the one that is in front of you. Para kung sakaling biglaang brake or anything, at least may space ka.

Sa church ginagamit din yang kwento na yan, kasi yun iba nagsisimba dahil kay pastor, kay brother or kay sister. Then kapag di na umaatend yun tinitignan nila, nanlamig or naback slide, etong umiidolo nawawala na din. That’s why between you and your inspiration put some distance. And in that distance, that’s where you must put Him. Para kung madapa yun tinitignan mo, between that space makita mo yun real reason mo.

So apply natin sa life, sa market, siguro marami kang iniidolo at ginagawang inspirasyon. Kasi iniisip mo “Ay ang galing nya magiging ganun din ako”. So magaaral ka mabuti, eto at gusto mo pa is maging instant trader kahit newbie ka pa lang… Walang masama dyan if naiinspire ka because of others. But, what if one day si idol mo nagkamali, pumalpak, naggive up, it’s either nagbabago sya at di na sya tulad ng dating iniidolo mo.One day narealize mo he/she is not worth it para maging idol, (may ganern)… Mawawalan ka na din ba ng gana. Sasabihin mo ba “ay ganyan lang pala, ayawan na”…

Okay lang magkaron ng inspirasyon at idolo, pero dapat alam mo pa din maglagay ng distance. Para kung sakaling si idol nawala, ikaw di ka mawawala. Ei ano ba ang dapat mo ilagay sa distance na yun. If sa Christian life, it is Him.

YOU— HIM (distance)— Your Inspiration
Sa life dapat ganito equation natin,
YOU—GOAL/DREAMS/PURPOSE—Inspiration (idol)

Kahit sino or ano pa man ang inspiration mo, mawala man sila.
But the distance “Goals, Purpose, Dreams” these are your saving glory…

Nakakita ka na ba ng kabayo na pang karera,siguro kahit hindi live, kahit yun sa tv. Yes, may konti din ako alam sa racing, may bookies ei lels… Napansin mo ba na yun mata nila is may takip sa gilid or tinatawag na blinkers or blinders. It is used to prevent them by being distracted by other horses around them. Ayunnn,,, para hindi lingon ng lingon, wala iba titignan kundi yun pupuntahan nya. Dire- diretso lang sa goal.

“Ganun lang tayo besh ha, hihi…

Ano maging kabayo?

Wahhh, hindi. Wala ka sa hulog besh ei..”

PUT YOUR BLINDERS ON…

Ayun humaba na naman ako, maiksi lang naman talaga gusto kong sabihin. Ituloy mo lang, bakit ka ba panghihinaan ng loob… Actually sinasabi ko din yan lagi sa sarili ko, at gusto ko din sabihin sayo. Gusto mo ba maging talunan, kasi ako hindi ko yan gusto at di ako papayag. Kaya non-stop ako lels 😛 …

Yes, ini-encourage kita sumulat, it could be your trading journal or anything. Write down your Goals. One step at a time. Redefine your purpose and reason. Respect your dreams. Minsan narinig ko ito by Les Brown,

“IT IS NOT OVER UNLESS I WIN”…

Stay Focus

Keep Dedicated

It wont happen overnight…

 

Tags from the story
, , ,
Written By
More from Guillen Rocher

NEWBIE GUIDE 001

Newbie ka ba? Are you clueless on what stock do you need...
Read More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *