Fear of Losing at Iba pang Emosyon sa Trading

1
1

Medyo mahaba yung title natin, at mahaba- haba rin ito.

Tinalakay natin last week yung tinatawag na Fear Of Missing Out, Ang isa sa malaking dahilan kung papaano natatalo at nasisira ang diskarte ng isang trader, Kung hindi mo pa nababasa, I suggest na basahin mo yun pagkatapos nito. Tingnan naman natin ngayon itong iba pang emosyon na involved sa trading especially itong Fear of Losing o yung Takot na matalo.

Kaya ka nagte trade ay para kumita at magpalago ng pera, Hindi ka pa mananalo nyan kung alam mo lang yung mga pwedeng makasira sa’yo bilang trader “Hindi pwede na puro Depensa lang, Kailangan mo rin Umatake”, Kailangan mong mag trade, take calculated risk at i-apply lahat ng mga trading knowledge mo kapag may tamang opportunity. Dahil hindi ka mananalo sa lotto kung hindi ka naman tumataya, Hindi ka mananalo sa kahit anong contest na hindi mo naman sinasalihan, Hindi mo rin mapapasagot yung mahal mo kung hindi ka naman nanliligaw, At lalong hindi ka mananalo sa isang trade na hindi mo naman pinasok.

Bukod pa sa mga humihila sayo pabalik, papunta sa simula gaya ng fomo, Dapat ay ma identify mo rin ang mga bagay na pumipigil sa pag abante mo. Kaya gusto kong talakayin itong sa tingin ko ay isa sa mga pinaka importanteng topic, Ang Fear of Losing, Yung natatakot kang matalo sa trade kahit maganda yung setup pero panonoorin mo na lang na lumipad at marami ka sanang time para mag analyze ng mabilisan at mag execute ng tama.

Emotions in trading. It could make or break you. Madalas mo nang marinig itong word na ito mula nang mamulat ka sa trading world. Alam mo ba na hindi mo pwede alisin totally ang mga emosyon? Yup!, kaya Huwag ka masyado magpapaniwala sa mga tao sa internet na nagsasabing “Alisin mo yang emosyon mo sa trading” o “Huwag kang emosyonal at mananalo ka na” etc. etc.  na para bagang ganun lang ito kadali. Hindi sila mawawala at ang kailangan mo lang ay regulation.

Human beings are emotional beings, Parte yan ng evolution ng tao, Joy, Sadness, Anger, Fear and Disgust… Sounds familiar ba? Mga characters yan sa 2015 Disney movie na Inside Out. Itatanong mo naman ngayon kung ano ang kinalaman ng movie na yan sa trading naten. Good question!

 

 

Kung hindi mo pa napanood yung movie na ‘to, Ganito yan, Yang limang characters na nabanggit, Sila Joy, Sadness, Anger, Fear at si Disgust, sila yung grupo o committee sa mind nung 11 year old main character na si Riley, Lahat ng human characters sa movie ay may kanya kanyang “committee of the mind” (At base ito sa neuroscience, lahat ng tao ay may kanya kanyang commitee of the mind)

As their name suggest, Bawat character sa committe ay nagre represent ng isang particular na emosyon, Si Joy represents joy and happiness, Si Sadness naman ang nagre represent ng kalungkutan, Fear is fear and so on.  Bawat pangyayari sa buhay ng main character na si Riley ay may equivalent na “saved data” in a form of an Orb, Bawat orb ay kasing kulay ng mind character na nagrerepresent ng emosyon, For example, kung masaya yung data, Kulay yellow yung orb dahil kulay yellow ang character na si Joy, Sadness is Blue kaya blue orbs yung mga sine- save nya, Anger is red, Fear is purple and Disgust is green, Mahalagang detalye ito at malalaman mo sa bandang dulo nitong artikulo ang relevance nito sa trading mo.

 

Bakit natin pinag uusapan ito dito?  Again, Good question.

Gusto ko lang i point out at malaman mo na ganyan talaga ang isip ng tao, Para yang isang komite ng iba’t ibang personalidad, May character ka na magagalitin, masayahin, malungkitin, mainisin (yung feeling na na- aalibadbaran ka, ayon sa Google), at matatakutin. Ngayong trader ka na, gusto ko ma realize mo na hindi na ganun ka simple yung mind mo kagaya ng dati, mas magulo na sila ngayon, mas uncertain na. At bawat isa sa kanila ay may strong opinions palagi.

Hindi ito pantasya at lalong hindi kwentong gawa-gawa, Ang movie na ito ay base sa tunay na neuroscience, Reco din ito ng isang trading psychologist sa youtube na si Rande Howell para maintindihan mo kung papaano gumagana ang isip mo. Kaya hindi ka pa baliw kung madalas mo marinig yang mga yan during trading hours, maingay talaga ang isip ng tao at alam nating lahat yan. (Pero kapag naririnig mo na sila bilang literal sound waves, baka iba na yon, Huwag mo kausapin!)

Tingnan natin ang mga eksena sa pagte trade mo at kung paano ka nila naiimpluwensiyahan, gamitin na lang natin yung mga names ng mga mind characters sa movie dahil parehas naman in real life examples at para mas madali intindihin.

Scenario 1, May lumilipad na stock at wala kang trading plan (at mataas na…)

Anger: ( aggressive sya)

“ buy na! To da moon na yan!”

“ Bili ka na, maiiwan ka!”

“ buy! buy! buy!”

“ yung friend mo nakabili na, ikaw na lang wala”

*Hindi natin inilagay sa example itong character na si Fear na syang bumubulong sa’yo, Dahil gaya ng topic natin nung nakaraan, Fomo is not really fear based. Walang threat, walang danger, It’s more of an Aggression.Pamilyar ba yang mga ganyang eksena sa’yo?

Scenario 2– Nanalo ka sa isang trade

Joy:

“Ikaw na!”

“Galing mo talaga! You’re the best”

“Hindi ka na matatalo, tuloy tuloy mo lang”

“Araw araw na to” (tapos nag screenshot ka ng portfolio mo at ipinost sa social media, tinakpan mo yung number of shares at value for some reason)

After a series of wins eh nag Batman trading ka na (Batman trading, commonly known as Superman syndrome) Binawian ka ng series of loss on your next trades as Overconfidence can lead to disaster, It can leave you open to attacks. 

Scenario 3– Natalo ka

Sadness:

“Talo na naman, Hindi talaga para sakin tong trading”

“Ang galing nila oh!, kelan kaya ako magigig ganun 🙁 ?”

Negative emotion ito. Huwag masyado i- entertain

Scenario 4

Disgust:

“Kadiri talaga yung chickenjoy kanina, may dugo pa, yuck!”

“Ang sama talaga ng ugali nitong trader na to oh, yabang!”

“Amoy aso na yung aso namin”

Mga bagay na hindi related sa performance mo na pampagulo lang sa isip mo.

At itong panghuli yung pinaka importante dahil ito yung topic natin, Fear of losing o yung takot na matalo

Scenario 5. May stock na nagsisimula pa lang tumaas, Kabisado mo at mas mataas ang probability na manalo ka, Maaring nakapag trade ka ng ng same setup ng ilang beses, Pero somehow…

Fear:

“Huwag ka na bumili baka magkabuhusan”

“Watch mode na lang, dagdag sa studies”

“Mabuti nang hindi makapag trade kesa mawalan”

“Huwag kang bumili nyan, baka matalo ka”

“Ang taas na eh!- (pero alam mo kung saan ang support at alam mo rin na malaki pa ang upside, hindi ka nag trade dahil nga natakot ka, minsan napi- freeze ka pa )

-More than 50% na ang itinaas nya mula dun sa possible entry mo sana.

Yan ang Fear of losing, Fear na matalo, Takot sa potential danger na mawalan ng pera. Gusto nitong fear character sa mind mo na protektahan ka from sa mga possible threats. Alam mo na may pagkain dun sa hindi kalayuan, pero ayaw ng fear character sa mind mo na tumuloy ka dahil baka may sabertoothed tiger doon.

Malaking tulong itong fear character sa mind ng tao for survival, For hundreds of thousands of years, It served us well, Sa paglalakbay at paghahanap ng pagkain, Hindi kinailangan ng mga early human ancestors na palaging sumagupa sa mga mababangis na hayop sa lahat ng pagkakataon, May mga time na nakaiwas sa mga possible life threatening situations.

Pagdating naman sa trading, Hindi mo kailangan i entertain palagi ang emosyon na ito, Dahil walang life threatening situations sa trading, Pwede ka manalo at pwede ka rin matalo. At kapag natalo ka ay pwede ka pa mag trade sa susunod. Basahin mo ulit yan, Pwede ka manalo at pwede ka matalo. Realize that results in trading are all probability based, Meaning na kung nanalo ka, it just so happen na nasa right side of probability ka, Kung natalo ka naman, napunta ka sa wrong side of probability , Pwede kang mag trade ng pinaka best na set up in the right place at the right time at matatalo ka sa trade na yon, Pwede rin naman na makatsamba ka minsan, Nanalo ka sa isang fomo trade o hype trade na sobrang high risk. Medyo malawak yang topic na yan about probabiliy mindset at tatalakayin natin yan sa mga susunod.

Ang point is hindi mo alam ang magiging outcome, At walang nakaka alam ng outcome sa kahit anong trade, (So bakit takot na takot ka matalo kahit na may magandang opportunity?) Kahit yung pinaka magagaling (na legit) na traders out there, Sasabihin nila sayo na hindi nila alam totally ang ending ng bawat trade dahil nga alam nila sa puso nila na probability based ito at ang actions nila ay based sa beliefs (analysis) nila about the probability of a trade. Ibig sabihin, Papasok ka sa mga trade na sa tingin mo ay mataas ang probability na mananalo ka. At iiwas naman sa mga trades na mataas ang probability ng pagkatalo. Kung tama ka, take profits, Kung hindi naman tumama ang projection mo, bitawan mo agad and move on. Hindi ka henyo kung nanalo ka sa isang trade, It just so happen na nasa right side of probability ka,- Pero isa kang mahusay na opportunist provided na nagbenta ka with gains. Conversely, Hindi ka rin bobo kung natalo ka sa isang trade, It just so happen na nasa wrong side of probability ka,- Pero isa kang mahusay na risk manager provided na nag cut ka agad bago pa lumaki ang talo. Kung umaasa ka against all odds, hindi ka nagte trade with a probability mindset. Sugal ang tawag dyan.

Pero syempre, disagree dyan itong “guru” mo na “insider” at “nakaka alam ng lahat”, dahil palagi daw sila may “signal” mula sa “taas”, kung kelan papataasin ang stock at kung kelan pababagsakin” Huwag ka basta basta maniniwala sa mga ganyan kaibigan. (dahil hindi mo naman alam kung anong “taas” ang tinutukoy nila at baka naman mamaya eh butiki pala yung kausap non.)

 

Eto ang pinaka importante na malaman mo, kung paano mo makokontrol ang sarili mo sa mga ganitong sitwasyon, Una sa lahat, alamin at tanggapin mo ngayon pa lang na hinding hindi mawawala ang kahit isa sa mga emosyon na yan, palagi silang present sa mind mo at pwede sila magbigay ng strong arguments at any given time, Ang trick is dapat ngayon pa lang ay malaman mo na YOU have POWER over these Emotions, Dapat mo malaman ngayon na ikaw ang BOSS ng committee na ito, Hindi mo dapat sinusunod ang bawat suggestions nila, Hindi mo sila kalaban, lahat ng emosyon na ito ay malaki ang maitutulong sayo. Yan ang gift ko sa’yo, ang impormasyon tungkol dito sa Higher Self Awareness, Na meron ka palang ganitong komite sa isip mo at normal lang ito, At ang tamang idea na malaman mo na ikaw ang dapat na boss ng komite na ito. Hindi mo sila kailangan alisin isa- isa (imposible yon) Basta malaman mo lang ngayon na bawat character na yan sa mind mo ay pwede magtulung- tulungan sa isa’t- isa para makabuo ng pinakamainam na decision at any given situation. Hindi ko ito inimbento, Ito ay ayon sa pag aaral ng mga trading psychologist at ayon sa neuroscience.

 

Teka? Notice na sa simula nung last paragraph sa taas yung words na “paano mo makokontrol ang sarili sa mga ganitong sitwasyon”?  Hindi natin sinabi na “paano mo makokontrol ang sitwasyon” Dahil wala ka talagang control sa sitwasyon at lalong wala kang control sa outcome pagdating sa trading, Medyo kontra ito sa normal function ng brain, Gusto palagi ng brain ng tao na kontrolin ang sitwaston at environment, At palagi nitong nakukuha ang gusto nya. Yang computer na gamit mo ngayon, yang bahay na tinitirhan mo, yung mga sattellites thousands of kilometers sa labas ng earth , yang smartphone na gamit mo, (kahit yang hello kitty na tattoo sa likod mo) lahat  yan, nanggaling lang sa isip ng tao. Tumingin ka sa paligid mo, lahat ng nakikita mo, galing lahat yan sa utak ng isang tao at one point in time. Ganyan ka powerful ang brain.

Pero kung iniisip mo pa rin na alam mo ang kahihinatnan ng mga trades, delikado yan, magiging emotionally invested ka sa mga stocks at nag- eexpect ng outcome na gusto mo. Pwede ka manalo ngayon pero babawian ka nyan sa susunod at babalik ka na naman sa simula. Lagi mong tatandaan (kahit ayaw mo) na walang may control sa outcome ng kahit anong trade. It’s all probability based. Kahit gaano ka powerful ang human brain,  Wala itong control sa outcome ng mga trades. Hindi ito tanggap ng more than 95% ng mga traders, at more than 95% ng mga traders ay consistent losers. (think about that)

Fact: emotions are biological, not psychological, Emotion defined by Mr. Howell as “biological action potential” at pwede mo ito kontrolin through various breathing techniques

Mabalik tayo dun sa Inside Out, Hindi natin ikukwento ng buo ang istorya, dahil gusto ko na ma enjoy mo yan at ayaw mo syempre ng spoilers, Pero towards the end of the movie, nagtutulungan na itong bawat mind characters para ma solve yung mga problems nila, Nakakatuwa dahil nakakapag create na sila ng mga orbs na multi colored, merong yellowish na blue, bluish green, purple red, maraming combinations, Implying na natuto na itong mga mind characters ng cooperation para mapabuti itong character na si Riley.

“Anong connect?”  itatanong mo.

Anong connect? Ganyan ang dapat na mangyari sa mind mo, wala na dapat yung 11 year old Riley na isang mind character lang ang nagdo-dominate at any given time. Let’s say na may lumilipad na stock at binubulungan ka ni Anger, Huwag kang papayag na mag dominate sya sa mind mo, ikaw ang boss! Ang trick is dapat na alam mo na bago pa lang magsimula ang trading ay darating yang mga ganyang scenario na bawat isa sa mind characters mo ay mag iingay na parang sila lang ang bida. For example, kapag nanalo ka ng isang trade, Andyan si Joy na pwede ka bulungan “ikaw na talaga ang batman ng trading!”  Gagatungan pa ni Anger ng “isa pa! Trade pa!” -Nag trade ka ulit at there goes your already locked in profits sa basurahan.

Sa ganyang scenario mo dapat pakinggan itong mind character na fear, dahil kumita ka na at hindi mo gugustuhin na isoli yan sa merkado, valid na yan kapag sinabi ni Fear na “Huwag na tayo mag trade, tomorrow is another day” Just listen to him sa ganitong sitwasyon. Wala kang control sa kahit anong trading situation, However, meron ka dapat full control dito sa mind commitee mo, yan at ang performance mo lang ang mga bagay na pwede mo i- control, not the situation, and never the outcome.

Kung medyo nawawalan ka na ng pag asa dahil sunod sunod na ang talo mo, si Sadness naman ang bumubulong sayo, Si Sadness na may pagka nega at times, May isang scene dun sa movie na gumawa ng circle si Joy sa sahig at inutusan nya si Sadness na huwag lalabas sa loob ng circle. Huwag ka mag entertain ng negative thoughts when things are going bad, dyan mo kailangan itong hyper na si Joy, (don’t confuse sa hyper ng stocks)  para sumaya ka ulit at maging positibo, Dahil gaya ng lagi nating sinasabi dito, Gusto ko na positve ka palagi. Positive at grateful, Dahil kapag grateful ka, Makaka attract ka ng mga bagay, tao at circumstances na ika- gegrateful mo pa lalo, Conversely, Entertaining Sadness will bring more of things, people and circumstances na ikaka -sad mo pa lalo. Law of attraction yan.

Pero may tulong din yang si Sadness sa’yo, Sya yung magre remind sa’yo na tao ka pa rin at hindi ka perperkto, Para hindi ka maging mayabang at maintindihan mo yung pinagdadaanan ng kapwa mo. Gaya nga ng nasabi natin, Lahat ng emosyon na yan ay may kanya kanyang good side at bad side, Learn how to balance na lang.

Kahit itong si Disgust, may tulong yan, Kung nanalo ka na ng malaki sa isang trade pero marami pang oras sa trading, Pwede mo na i- entertain yang ganyang emosyon, pwede ka na manood ng mga videos sa youtube, yung mga nakaka relax, dahil kailangan mo rin mag relax at tumawa paminsan minsan, at kailangan mo ng diversion para maiwasan mo ang burnout. (huwag ka nga lang makikipag away sa internet, dahil baka mahawahan ka ng mga nega)

So next time na may biglaang sorpresa ulit ang merkado at magkaroon ng magandang trading opportunity, Pakinggan mo itong si Anger dahil it takes some courage to enter a breakout trade, Pero pakinggan mo rin yung iba, Huwag kang magpapaimpluwensya dyan totally dahil ang gusto nyan ay ALL-IN , Alam ni Joy yung feeling ng pagkapanalo na hinahanap mo, Pero alam din ni Sadness yung feeling ng natalo ng malaki, kaya balanse lang. At syempre, nandyan ulit si Fear para i-remind sayo na it’s all probability based at pwede kang matalo kahit gaano kaganda ang isang setup. (Mamaya mo na i-entertain si Disguss after trading, guguluhin ka lang nyan)

Gusto ko malaman mo na naka receive ka na naman ng Gift from the Universe in this form of invaluable wisdom, Hindi mo kinlick ang link kanina by coincidence, Alam ko medyo struggling ang trading career mo, pero okay lang yan dahil nandito tayo para maghatid palagi ng magagandang balita para sa’yo. Ayaw natin na nape- pressure ka kaya sana ay marami kang natutunan, nag enjoy at na entertain sa pagbabasa nito, Ipasa mo ito sa mga kaibigan mo. Para magtuloy tuloy din ang daloy ng biyaya sa’yo.

Written By
More from Morpheus Tyler

Simpleng Trick na Magliligtas sa Buhay Mo

Eto na naman ako, ang friendly sarcastic virtual trading adviser mo, Hindi...
Read More

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *