FB- Behind the trades and 52- week new highs on Friday rule fail

1
1

Hindi ka nakasakay sa $FB? Okay lang yan, marami pang mga susunod, pag aralan muna natin itong mga nangyari during the past couple weeks. Tingnan natin kung ano ang nangyari dito sa FB, reasons for buying and selling, Re- entry at failed 52- week new highs on Friday rule play.

First entry considerations.

  1. May flagpole ito noong July 23 at mataas ang volume nya ng 300% sa 10 week volume average
  2. Nag consolidate sya on a straight line at hindi bumababa
  3. Nasa taas ng 20 at 100 day moving averages
  4. Parabolic SAR sa ilalim ng candles
  5. Breakout sa flagpole level

Kung gumagamit ka ng Darvas Box, kita mo na nag breakout sya dyan at hindi bumagsak, Pwede ka rin maglagay na lang ng line mula dun sa flagpole level para mas madali

*Bearish pa rin ang PSE kaya nagpaka sigurista na lang tayo at nagbenta na dyan sa 80 area.

Pero dahil bullish pa itong stock, inabangan natin na mag form sya ng pennant pattern, nag form nga sya after a couple days pero gaya ng nasa chart, May konting fakeout sya.

Kung titingnan mo dito sa susunod na chart, hindi sya bumababa sa apex ng pennant hanggang sa naging Darvas box ang pattern nya. Failed or delayed, depende na yan sa perception mo.


Unfortunately, meron lang tayong 3 hours of sleep noong nag breakout si FB sa Darvas box, hindi na tayo nag react, hindi na natin pinilit mag trade. At dahil wala naman akong hawak na ibang stocks ay natulog na lang ulit ako.

Hindi mo kailangang ipilit kung hindi ka naman ready, hindi ka naman mawawalan…

.. Pero hindi ka rin magkakaroon. ( joke 😉 )

Nakahanap tayo ng pagkakataon bandang hapon, Ascending triangle pattern sa 1 hour chart, Dyan na tayo pumasok. Nagbenta na tayo ng kalahati bago mag 12 pm kinabukasan, pero….

Narinig mo na ba yung 52 week new highs on Friday rule?  Inaabangan talaga natin ito dahil good candidate sya para sa setup, Kung hindi ka pa pamilyar, ganito yan

Rules ng 52- week new highs on Friday Rule

  1. Kapag biyernes at may bagong 52 week high ang stock, antayin mo na mag close malapit sa highest.  (52 week high, means highest price for the past 12 months)
  2. I- hold mo (ayon sa rules) hanggang martes ng umaga, bago mag 11 or 12 pm dapat nakabenta ka na
  3. Third rule is dapat mag benta ka agad kapag mababa ang opening ng monday.

Hindi nag close malapit sa highest price si FB, kaya ibinenta ko na lahat bago pa mangalahati ang kandila. hindi nag manifest yung inaabangan nating step 1 para sa setup, Pero ang pinaka importante is kumita tayo.

 

Babalikan natin itong 52 week new highs on Friday rule sa mga susunod na studies. Magko- compile tayo ng mga successful at failed 52 week new highs on Friday rule trade.

Sana ay may natutunan ka ulit na bago, at makadagdag ito sa mga kaalaman mo, Hindi mo alam kung kelan mag aapear yang mga ganyang setup, Kaya dapat lagi kang ready.

Written By
More from Morpheus Tyler

Parabolic SAR tutorial

Konting intro muna… Parabolic Stop and Reverse o Parabolic SAR for short,...
Read More

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *