I Want To Be A Trader

“Gusto ko po maging trader, paano po ba?”
“Gusto ko po yumaman kaya magttrading ako.”
“Parang exciting gusto ko din itry.”

Nakabasa na ba kayo ng mga ganitong posts, comments or even received messages telling you:

“Ang cool nyo naman po, sana maging trader din po ako.”
“Pwede po pamentor, gusto ko po maging trader.” wink wink my eyes lels..

Kung gusto matuto magbasa.
Let’s define it first…

*What is Trading?

Trading/Market Timing
– It means Buying and Selling stocks on a short-term basis, hoping to make quick profits. Buy Sell, Buy Sell,, bibili ka sa isang presyo at hoping na mabenta mo ng mas mataas para kumita ka.

Kinds of Trading

*Scalp trading/Scalper–  yun bibili ka for seconds to minutes then bebenta mo na agad. Nilalaro mo lang yung momentum at volatility ng stock.

*Day trading– humahawak ng position in a day then benta na with no overnight positions. Sarap matulog kung kumita ka kapag naipit tawag nila instant investor.

*Swing trading– positions are held from days to weeks bago magbenta, they are following the trend if uptrend pa sya naghhold lang sila till makakita ng weakness dun sila magbebenta.

*Position trading– bumibili ng stock at hold nila for months

Trader/Traders

– sila yung mga taong nagpaparticipate sa market, that’s an understatement I mean they are engaged in the market. Para maging trader ka you need to have more passion sa market. Kasi hindi sapat ang pagbasa lang ng libro, need mo magaral ng ibat ibang chart, techniques, strategy na bagay sayo. Meaning it will take much of your time. Time na hindi ka na updated sa fb mo, puro investing at trading group ang post at feedback sa wall mo (relate much ba?). Sa free time mo nagccharting ka para humanap ng next play mo.

– Sila yung mga nagsshort trade, buy sell buy sell strategy in other words “wash, rinse, dry repeat (labada strategy)”

– yun tutuo, kapag trader ka para kang sumasakay sa isang roller coaster i mean emotional roller coaster up and down ang feeling. May time na kapag nakaexecute ka ng isang play feel mo superhero ka, para kang lumilipad, “yes ang galing galing ko” yan ang sinasabi mo sa sarili mo, “Imma ginyus” lols.

Especially when a newbie wins, he feels brilliant and invincible (huwaw lang). Then magsstart na yan ng kanyang mga wild guessing then puff..

I’m ready, kaya ko to!!!

-Ei paano naman kung ipit, talo, cut loss or nabuhusan.

Minsan hindi mo na makausap yan, kausapin mo man ang layo ng iniisip, malayo ang sagot, malayo din ang tingin. Kung sumagot yes or no lang, buti kung sumagot minsan tango at iling na lang. Kasi yun isip nasa market pa rin, paano makakalaya sa ipit, paano makakaganti sa stock na napacut loss sya or whipsaw sya. Sometimes there are sleepless night, wala gana kumain or kabaliktaran idinadaan sa kain, abat parang broken hearted lang ang peg. Stressed and exhausted. Napapangiti ako habang sinusulat ko to, kasi tutuo yan.

I dont believe na kapag matagal na sa market  ay ligtas na sya sa mga ganitong emotion, kasi its normal. Hindi ka tao kung wala ka pakiramdam but ang maganda lang habang tumatagal ka nammanage mo ng hawakan yun emotion mo meaning kapag magisa ka na lang pwede mo kausapin ang sarili or humarap sa salamin asking yourself “Saan ako nagkamali” diba hindi na halata sa iba huehuehue…. Sana naexplain ko mabuti yun Trader at paano sila/kami in Up’s and down.

*Ano ba dapat gawin para maging Trader?

-Share ko lang muna, minsan may nagPM skin asking me “Pwede po ba ako magstock market kasi sabi nila puro engineering lang daw po ang nasa stock market..”  In my head I’m screaming “pakilala mo nga sakin kung sino nagsabi nyan sayo” hehe (warfreak).. Of course not, hindi lang sa mayayaman ang stock market, hindi lang para sa mga engineers, hindi lang sa magagaling sa math. Marami ang katulad ko dito na simpleng tao, ang magiging pagkakaiba at posibleng maging lamang mo lang is “your dedication, your passion, your willingness para matuto”. It’s never too late, kailangan lang open minded ka (kape tayo lols)…

-Gusto mo maging trader?

May time ba ako to monitor stocks kasi if you don’t have time wag na lang muna focus mo na lang muna yun free time mo para dagdagdan yun learnings mo. Pero kung gusto mo talaga kahit busy ka, hindi naman kita pipigilan. Marami nga ako kilala trading while on duty, double purpose… Isumbong sa boss yan,, joke..

-Gusto mo maging trader?

Do you have the stomach for this? Hindi daily panalo at pasko ang stock market. Wag excitement hanapin kasi may iyakan din dito. Lalo na ngayon nasa 6k level ang Psei, sa Bull market lahat magaling. Hula hula, tama tama strategy pwede mo iapply. Ei sa bear market, baba taas ang merkado, kahit world market magulo. Ngayon green port mo bukas red na at ang laki pa ng loss telling yourself “Dapat kasi binenta ko na kahapon,akala ko kasi tataas pa tsk tsk..” Kaya mo ba kumain ng tuyo kasi loss ka. Wag gaano pahalata sa parents mo, sa bf/gf mo or kaya sa partner mo baka patigilin ka na sa pagsstock market. Worst,, separation anxiety pa makuha mo.

-Gusto mo maging trader?

You must have interest in learning Charts, you must learn technical analysis. Aba kung ayaw mo magaral ng charting ei ano ang gagamitin mo na guide, basis at reading kung ano ang nangyayari sa market at sa stock na hawak mo. Aasa ka na lang ba sa FA= Facebuk Analysis or kaya sa TA= Tanong Analysis/Tsamba Analysis. Maaring sa una or pangalawa swertehin ka pero sa susunod hindi ka na sasantuhin ng market. Lalo na ang dami hyper, baka kainin ka lang ng buo at tangayin ng hangin kung saan. The moment you realize it, it’s too late lumipad na ang perang pinaghirapan mo.

Mali ka memes, fb mas sikat

You are solely responsible for your own money. Hindi mo pwede iasa or isisi yan sa iba. Sa una sige pagbigyan kita sisi at iyak newbie ei, pakinggan natin ang sentiments. But once, twice minsan may pangatlo pa abay isip isip din pag may time. Hindi pa tayo pinapanganak kalakaran na ng merkado to. Time to reflect, and go back to the basics.

Ang stock market wala paki kung oldies or newbie ka, ang meron lang sa stock market are Bears and Bulls. Kung hindi ka matyaga magaral para sa pera mo at ipapatalo mo lang dito, magimpake ka na dahil hindi para sayo ang stock market mapa trading or investing pa yan. I just want to be honest please bear with me, smiling now..

Hala ka, galit na sya…

-Gusto mo maging trader?

Kailangan may disiplina ka, may plano ka at higit sa lahat sundin mo yun plano mo. “Plan your trade and trade your plan”. Sabi nga ni Sun Tzu sa Art of War “Every battle is won before it is fought”. Meaning may planning and strategy, hindi yun bibili ka agad hindi mo alam saan ba Entry and Exit, kailan ba dapat ibenta for taking profits, saan yun cut loss point. Before entering any trade, dapat may planned Entry/Exit, Target price(TP) and Cut loss (CL) level/s and execute them.

Kapag pumasok ka sa isang trade using Technicals and it doesn’t go your way meaning pabagsak sya, don’t give me enumerations about its Funda. Kung mali ka wala ka iba gagawin kundi tanggapin yun at aralin kung ano nangyari.

A good trader must be hardworking, open to new ideas kasi hindi mo alam lahat ha? Our goal is to trade well, kasi if magawa natin yun money will follow. Share ko ito nabasa ko kasi favorite ko ito from the book Trading For A Living. This is the reality,

“The market is not your mother. It consists of tough men and women who look for ways to take money away from you instead of pouring milk into your mouth.”

“When you trade, you compete against the sharpest mind in the world. If you allow your emotions to interfere with your trading, the Battle is over.”

Remember, if you want to succeed as a Tader

Make sure you can spell it right.

T-R-A-D-E-R….

So do you want to be a trader?

Are you sure?

If yes, Welcome to the TRADERS EMPIRE…

Written By
More from dev dev

I Want To Be A Trader

“Gusto ko po maging trader, paano po ba?” “Gusto ko po yumaman...
Read More

30 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *